“KUNG MERON man po akong masasabing pinakamabait na taong nakilala ko si Sarah (Geronimo) po ‘yon.” Ito ang description ni Ronnie Liang sa Popstar Royalty na maggi-guest sa kanyang Love X Romance concert na gagawin sa Nov. 8 sa Music Museum.
“Mabait siya. She’s also talented and kind-hearted. She’s awesome. She supports her co-artists. Ang yung craft niya, talagang ini-enhance niya. Matalino din siya and very professional,” dagdag na papuri pa niya kay Sarah.
Hindi malilimutan ng pop balladeer na si Ronnie Liang tuwig maggi-guest siya sa concert or shows ni Sarah Geronimo. Napaka-warm daw kasi nito sa kanya at ibang klaseng magpahalaga sa kapwa artists niya.
“Nakakataba ng puso kapag ini-introduce niya ako sa stage kapag ako yung guest niya. Hindi na niya binabasa yung teleprompter. ‘Alam po ninyo, ang aking guest, siya po ang original ng Ngiti, award-winning singer po siya at ito dapat ang binibigyan ng concert…’ May mga ganun pa siya. Grabe kung i-build-up niya ako sa audience,” kuwento ni Ronnie.
“Coming from her, nakakatuwa at nakakataba ng puso. Hindi niya ipaparamdam sa ‘yo na big star siya, ang mapi-feel mo, pareho lang kayong artist,” dagdag pa niya.
Guest ni Ronnie si Sarah Geronimo sa kanyang concert titled “Ronnie Liang Love X Romance” na gagawin sa Music Museum on Nov. 8.
“I’ll be forever grateful na yung pangarap ko na makasama siyang mag-perform ay natupad sa tulong na rin ng Viva. And of course, si Sarah din, kasi siya ang may final say if she wants kung maggi-guest ako sa concert niya at mag-guest siya sa concert ko at mag-collab kami. God is good, answered prayer siya for me,” sey pa ng singer.
Bukod kay Sarah, guests din ni Ronnie sa kanyang Love X Romance concert sina Ella Cruz at Janine Tenoso. Kabilang sa mga repertoire ni Ronnie sa concert ay ang mga kanta ng dekada 70, 80, 90 at ibang current hits. Sa mismong concert din daw nila kakantahin ni Sarah ang kanilang collab song titled Liwanag na kasama sa kanyang ilalabas na digital album.
Mabibili ang tikets sa Love X Romance sa Ticketworld.com.ph at sa mismong Music Museum.