Sipat-eklat: Ronnie Liang, nagpaparamdam nang lilipat sa Party Pilipinas?!

SIPAT: ‘WE’RE VERY GOOD FRIENDS!’ sey ni KC CONCEPCION about PIOLO PASCUAL.
EKLAT: They SHARE the SAME INTEREST. For sure.

SIPAT: BAGAY na BAGAY namang TALAGA sina KC at PIOLO, ‘di ba?
EKLAT: PAREHO silang MABAIT, MATALINO at MAGANDA… ang KALOOBAN.

SIPAT: NAGPAPARAMDAM na raw si RONNIE LIANG na LILIPAT na sa PARTY PILIPINAS.
EKLAT: OKEY lang. HINDI naman NARARAMDAMAN ang PRESENCE niya sa ASAP XV.

SIPAT: MAGANDA na sana ang TAKBO ng CAREER ni RONNIE sa ABS-CBN…
EKLAT: Kung HINDI NAGMAGANDA ang MANAGER niya!

SIPAT: Teka, SINIPA na DATI ng KAPUSO si RONNIE, ‘di ba?
EKLAT: Baka GUSTO ng TAKE TWO!

SIPAT: Si NIKKI GIL din daw LILIPAT na sa PARTY PILIPINAS?
EKLAT: Hmp… PRESS RELEASE!

SIPAT: NANDOON na si MARK BAUTISTA at RACHELLE ANN GO. Kung JOIN din sina RONNIE at NIKKI…
EKLAT: EXTENSION na ng ASAP XV ang PARTY PILIPINAS!

SIPAT: Tsk… ang BABA ng RATING ng DRAMA ANTHOLOGY ni CLAUDINE BARRETTO.
EKLAT: BIGYAN na siya ng FANTASERYE – ang SPECIALTY ng SIYETE!

SIPAT: ANO kayang BAGAY na FANTASERYE kay CLAUDINE?
EKLAT: DARNA… at ang BABAENG TUOD!

SIPAT: BAKIT daw PINAPASOK sa GAY BAR sa ‘TATE si CHARICE PEMPENGCO, e DISISIYETE ANYOS pa lang ang ating PINAY?
EKLAT: ‘IT’S UNFAIR!’ protesta ng CERTIFIED BADINGER Z’s.

SIPAT: At BAKIT si DAVID ARCHULETA ang INIMBITAHAN niya sa PERFORMANCE niya DOON sa GAY BAR?
EKLAT: ‘IT’S UNFAIR!’ protesta ng PINOY SINGERS.

SIPAT: ITO naman kasing si CHARICE, daming MANG-AAWIT natin na PUWEDE niyang IMBITAHAN doon…
EKLAT: … at TIYAK na mag-e-ENJOY nang HUSTO!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #291: April 22, 2010
Next articleHulicam: Mannequin ni Ana Capri

No posts to display