UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga local movie producers natin sa pagpapalabas muli ng Pinoy movies sa big screen. This week ay ipapalabas sa SM Cinemas ang pelikulang ‘Rooftop‘ ni Yam Laranas.
Kung hindi kami nagkakamali ay natapos na ang shooting ng horror-thriller film na ito bago pa nagkaroon ng pandemya. Naantala ang pagpapalabas nito dahil sa COVID-19 pandemic at ito ang pelikulang napili ng Viva Films na isabak sa mga sinehan.
Ito ay pinagbibidahan ng mga VAA artists na sina Ryza Cenon, Ella Cruz, Rhen Escano, Marco Gallo, Andrew Muhlach at Marco Gumabao kasama si Epy Quizon in a special role.
Aminado ang mga bidang artista ng pelikulang ito na sila ay kinakabahan dahil may ilang moviegoers pa rin na takot manood ng sine sa sinehan. Nakasanayan na rin ng karamihan na manood na lamang ng mga pelikula sa kani-kanilang TV, laptop o cellphone at mag-stream sa Vivamax.
Gayunpaman, hopeful ang lahat ng involved sa pelikula. Sa tagal na rin na natapos ang proyekto ay ‘hanging’ ang mga cast at staff members kung kailan ba nila masisilayan ang pelikulang kanilang pinaghirapan. Ang ilan ay nag-aabang na sa Vivamax, pero pleasant surprise sa kanila na sa big screen pala ito muna mapapanood. Kunsabagay, ang mga horror-thriller films ay mas magandang mapanood sa loob ng sinehan para ‘feel na feel’ mo ang habulan at takutan.
Narito ang trailer ng ‘Rooftop’:
Goodluck to Team Rooftop! Sana ay hudyat na ito ng unti-unting pagbalik ng mga Filipino films sa big screen. Nakakamiss na rin kasi talaga!