DALAWANG MAGKASUNOD na Sabado nang itoka sa inyong lingkod ang iniereng kuwento ng Startalk tungkol sa pagkatalo ni Rosanna Roces sa kasong breach of contract na isinampa laban sa kanya ng GMA noong 2005.
September 14 when Startalk made reference to an article na nalathala sa isang online portal, kung saan hinatulang guilty ang dating boldie.
The following Saturday, isang follow-up story ang isinahimpapawid ng Startalk, this time with reference to Osang’s post on her Facebook account. Isang palabang Rosanna Roces ang nag-react sa naipanalong kaso ng istasyong dati niyang pinaglingkuran bilang host ng Startalk.
Her FB post punctuated with all the cuss words one would expect from a “balahura” woman, idinamay ni Osang si Senator Bong Revilla na siya raw dapat magbayad ng kanyang danyos na aabot sa kabuuang halagang P2 million. Indirectly, pinahagingan pa ni Osang ang mga magnanakaw sa kabang-yaman while lashing at GMA kung saan nag-akyat naman daw siya ng pera.
In both recent episodes of Startalk, wari’y pinalampas na lang ng legal department ng GMA ang asal ni Osang. But if GMA took this sitting down, hindi ang tipo ni Lolit Solis—dating namamahala sa career ni Osang—ang magsasawalang-kibo, not when Bong Revilla’s name is dragged.
Simple lang ang dapat gawin ni Osang kung paanong her life now has been reduced to simple joys kumpara sa noo’y tinatamasa niyang luho sa buhay now transformed into luha: manahimik na lang siya in much the same way na tahimik din—if not dead—ang kanyang career.
But like a careful motorist where there are humps ahead, Osang shifts gear sa interbyu sa kanya ni Cristy Fermin sa Showbiz Police. Ang pagbanggit daw niya ng pangalan ng kanyang balaeng si Bong ay biro lang. But Osang’s reference to Bong—biro man—ay kawalan ng katinuan ng pag-iisip na hindi alintana ang epekto nito mula sa bunganga as cheap and pathetic as her present state of life.
Dating miyembro ng all-female group, nakakawala na rin sa sadistang dyowa!
BLIND ITEM: Thank God, nakakawala na mula sa kanyang actor-live-in partner ang dating miyembro ng isang all-female group.
Call it extreme perversion, pero grabe pala ang sinapit ng hitad sa kanyang dyowang sadista. Ang siste, ang trip umano ng aktor ay pisikal munang saktan ang nobya bukod sa iginagapos niya ito.
May house rule din daw sa kanilang lovenest: kinakailangan daw hubo’t hubad ang aktres kesehodang hindi naman ‘yon prelude ng kanilang pagtatalik. Pero ang da height ng sukdulang kaaningan daw ng dyowang aktor ay nang pahiran daw nito ng rugby ang ari ng dyowa at tatakpan ng kapirasong tela, sabay tanggal ng pamasak sa keps!
Natural, sasama sa tela ang mga hibla ng pubic hair ng aktres! Despite all this physical torture, hindi raw makuhang hiwalayan ng hitad ang kanyang dyowa na itago na lang natin sa pangalang “PJ Responsiblidad.”
At ang matiising martir na aktres, ikubli na lang natin sa neymsung na Gwendolyn Garcia.
DALAWANG TUHOG na kuwento ang hatid bukas ng children’s narrative na One Day, Isang Araw na kapwa nagpapatunay na may mga bagay na pwedeng gawin ng lalaki ang mga gawain ng babae and vice versa.
Iikot ang unang kuwento kay Billy (Marc Justine Alvarez who’s also the storyteller) at sa kanyang ama played by Marco Alcaraz. The father resents Billy’s playing with dolls, pero ang totoo pala’y nagsasanay siyang mag-alaga ng baby the way his dad is taking care of him.
Tampok din si Gardo Verzosa who plays a police officer and Vangie Labalan as Aling Epang.
Ang ikalawang kuwento naman proves that a girl can play basketball with boys. Magkakampi rito sina Alex at Jamir (played by Bea Binene and Enzo Pineda) who compete against Jordan na ginagampanan naman ni Hiro Peralta.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III