PROBLEMA NAMAN NGAYON ni Rosanna Roces ang pagpapatapyas ng boobs. Kapuna-puna ngang sobrang malalaki na ito, lalo nang mapanood namin si Osang sa mga indie film na Aurora, Manila at Karera, na kahit sa mga eksenang naka-T-shirt lang siya ay obvious na idinoble yata ng laki ng boobs niya.
Napansin din kasi namin na nag-slim down si Osang. Naitanong nga namin sa kanya kung may binabalak ba siya kaya parang bumabata siya.
Everyone knows na lola na si Osang, at pinagsisikapan niyang iba na ang level ng career niya as an actress dahil puro mga seryosong pelikula na ang ginagawa niya.
Pero, hindi komo lola na siya, pababayaan na lang niya ang sarili niya. Kaya nga nakikita niyang hindi na bagay ang mga pinalaki niyang dibdib noon sa katawan niya, kaya nagbabalak na siyang ipatapyas ang mga ito.
ISA SI CONEY Reyes sa mga tunay na TV host na dapat talagang tingalain at hangaan. Sa rami ng naglipang nagho-host ngayon sa TV, mga sampu-sampera na lang sila, na porke madadaldal ay basta ratsada na lang.
Iba noong panahon ni Coney na ang TV hosting ay ginagawa professionally. Hindi na siya active sa pagho-host, maliban na lang sa 700 Club na part ng kanyang spiritual commitment, pero ang offers sa kanya ay pawang sa aktingan.
Dependable naman siya rito, lalo na’t suportado niya sina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay sa And I Love You So. Sobrang ninenerbyos si Coney sa first day shooting, at tipong pagbabalik niya sa big screen, kaya naka-ilang takes din siya. Pero, nang makampante siya after the first take, back to her usual best ang aktres.
Naitanong namin kay Coney kung ano ang karaniwang naoobserbahan niya sa mga baguhan at nakababatang TV hosts ngayon. Ito raw ay ang matinding pagdepende sa teleprompter para sa spiels.
Hindi lang daw ito ‘yung pagiging spontaneous, pero mas okey raw ang hosting kung sa harap ng kamera, wala nang sinusunod na script, kung ano ang sasabihin.
“Lalo na sa game shows, binabasa pa ng hosts kadalasan ‘yung mechanics,” sabi pa niya. “Dapat ay napag-aralan na ‘yun, kabisado na, kahit walang guide, you can say anything easily dahil naiintindihan mo na lahat. In other words, dapat, pinag-aaralang mabuti ang script at hindi ‘yung dedepende na lang dito o sa teleprompter kapag nasa harap na ng kamera.”
In fairness, nakaka-miss ang pagiging classy ng style ni Coney na sinubaybayan namin mula pa noon sa Student Canteen hanggang sa Eat Bulaga.
Calm Ever
Archie de Calma