ANG DAMI nang nakisakay sa isyu ng pork barrel scam na ‘yan, huh!
Itong si Rosanna Roces, pagkatapos matalo sa kaso niya sa GMA-7, si Sen. Bong Revilla ang pinagdiskitahan na dapat nga magpasalamat siya dahil sa maayos at magandang pag-alaga sa apo niyang si Gab.
Siya ang talunan, bakit ipinapasa niya sa ibang tao ang isyu niya?
Naku, ‘day! Harapin mo, Rosanna, ang sarili mong isyu, huwag mong iligaw at gamitin ang ibang tao.
Matagal na ang kaso niyang Breach of Contract sa GMA-7 at napatunayang guilty siya, kaya dapat niyang pagbayaran.
Kaya lang ano naman ang ipambabayad niya, nawala na nga lahat. Pati nga mga anak niya, nawala na rin sa kanya.
Sa ganitong panahong natalo siya sa kaso, dapat nandiyan ang mga anak niya na dumaramay sa kanya. Eh, si Grace na lang yata ang nagtitiyaga sa kanya. Mabait lang talaga ang batang ‘yan. Pero sa totoo lang, mas tahimik ang buhay ni Grace kung wala ‘yang babaeng ‘yan.
Si Bong naman, na ngayong may pinagdaraanan siya, nandiyan ang mga taong nagmamahal sa kanya at hindi siya iniwan.
Dito nga mas buo silang pamilya at lagi niyang kasama si Lani at mga anak nila na nagsisimba, nagba-Bible study.
Sa darating na kaarawan niya at siyempre hindi naman siya maghahanda dahil sa hinarahap nila ngayon. Pero nandiyan pa rin ang mga taong sumusuporta sa kanya na malaki ang utang na loob sa kanya.
Baka mag-retreat daw sila nina Lani o mag-Bible study sa kaarawan nito.
Sa dami ng mga natulungan niya, nandiyan sila para suportahan siya at samahan sa mga pinagdaanan niya ngayon.
Ako nga willing magpakulong para lang kay Bong dahil mabait naman talaga ‘yan at ang dami niyang natulungan.
Kaya namang harapin ni Bong itong lahat na ibinibintang sa kanya. Haharapin niya ito sa tamang lugar. Ang nakalulungkot lang, nahusgahan na silang lahat at kung anu-ano nang paninira at pambibintang ang ibinabato sa kanya pati kina Jinggoy at iba pa.
Si Jinggoy nga ang tapang niyang hinarap ‘yun at kumbinsido siyang malagpasan nila ito.
BONGGA PALA ang Sunday All Stars, huh! Talagang lumalaban na ito nang bonggang-bongga sa katapat na ASAP at madalas ay natatalo na nila ngayon sa ratings.
Matindi ang labanan ng apat na teams na nag-perform nung nakaraang Linggo at wagi si Mark Herras na leader ng Instagang kasama ang mga bago niyang members.
Magaganda lahat na performance nila, pero nalamangan sila ng team ni Mark sa text at online voting kaya winner sila.
Sa totoo lang, gusto kong i-congratulate diyan ang director nila at ang may idea ng show na ito na si Rommel Gacho.
Siya rin ang creative director namin sa Startalk at talagang rater ang mga hawak niyang show.
Kaya dapat tuluy-tuloy nang ma-maintain ng SAS ang magandang performance nila lalo na sa rating.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis