“Pinag-aralan ko naman yung konrata. Pero more than the legality, siyempre ano ako dahil sa edad na ‘to, di ba, parang ano bang maio-offer ko para ikontrata n’yo pa ako? So alam mo yon?
“May mga bagay nga na hindi ko nararamdaman dati, na grateful, ganyan na yon pa lang tinatanaw mo na malaking utang na loob – yon ang nararamdaman ko ngayon,” simulang pahayag sa amin ni Osang.
Eh, bakit nga ba siya napapayag na magpakontrata sa Viva?
“Sinabi na naman nila sa akin na kahit paano raw may hatak pa rin ako. ‘May hatak ka pa rin’ sabing ganun. ‘Isa ka sa mga icon ng pelikula and we think we can help you more para maiangat ka pa,’” lahad ni Osang.
Dagdag pa ng award-winning actress, may posibilidad din daw na magkaroon siya ng product endorsement sa Viva. Sabi pa sa kanya, “Sayang kasi yung estado mo ngayon.”
“Ako naman, siyempre honored!” komento ng aktres.
Bukod sa movie projects ay nilu-look forward din niya sa Viva ang makagawa ng sariling libro.
Aniya, “Kaya maganda yung tingin ko sa offer nila kasi sabi ko nga kay Blessy (her partner), hindi puwedeng dasal lang tayo nang dasal kung kailan tayo magkaka-project. Pag nasa Viva tayo laging may project, lagi kang nandon. Hindi na tayo magdadasal na naku baka walang dumating.”
“Hihingin ko rin na magkaroon ng isang book kahit recipe book pa yan. Marami akong ano na nakasama ako, pero yung ako mismo yung laman ng buong libro, wala pa. Pang-validate ko rin yon sa pagkatao ko, sa pag-aartista.
“Noon pa ito ino-offer sa akin, matagal na, panahon pa ng Ligaya (Ang Itawag Mo Sa Akin), pero sabi ko nga, ‘Anong ending nito?’ Ayoko kasi nung ending na bitin, na nakabitin yung kuwento ng buhay ko.
“Ngayon kasi, yung ending ng libro ay masaya na. Noon kasi puro sarap yung pinagdadaanan ko, hindi ako nagdudusa kasi nasa taas ako. Pang-walang kwenta yung kuwento ko kung nandiyan ka lang sa taas. Maganda yung may struggle tapos aakyat ka ulit para meron kang… ikaw yung success story talaga ng buhay, ganun,” huling pahayag ng magaling na aktres.