NAKAKALOKA NAMAN ang balitang narinig namin noong Miyerkules sa Wan-ted sa Radyo ng 92.3 NewsFM hos-ted by Raffy Tulfo and Nina Taduran, dahil isang taxi driver ang nagrereklamo laban sa sexy star na si Rosanna Roces.
Ayon pa sa kuwento ni Mang Narciso Abenio, taxi driver ng Katrina Marvin taxi, inarkila diumano siya ng kampo ni Osang para maging service vehicle dahil may lakad daw ito sa Makati. Nangyari raw ito noong Lunes, September 3, 2012 mula alas-sais ng gabi hanggang alas-kuwatro ng madaling-araw kinabukasan. Pero hindi raw natuloy ang nasabing lakad pero go pa rin daw ang kanyang pag-service sa kanila.
Kung saan-saan daw sila nagpupunta noong gabing ‘yun, hanggang sa nagpahatid na raw ang dating sexy star sa isang condo sa may Timog. Pero ang usapan nilang presyo ng pag-arkila ay hindi raw binayaran ni Osang, kaya nagreklamo na lamang ang pobreng mama sa radio.
Nu’ng tinawagan naman ng Wanted ang kampo ni Osang, isang ‘Alyas Boy’ ang sumagot at nagsabing tulog pa raw ito at ang anak na lang daw na si Grace ang magbabayad at papuntahin na lang daw ito sa condo.
Nagpunta naman daw si Mang Narciso noong hapon ding ‘yun ng Miyerkules, pero walang sumipot upang ibigay ang tatlong libo. Kahapon Huwebes, nakausap namin sa telepono si Mang Narciso at wala pa raw kumukontak sa kanya mula sa kampo ni Osang para aregluhin ang halagang napag-usapan.
Nakakaloka naman ito. Sinubukan din naming tawagan ang telepono ni Osang na naka-register sa aming cellphone pero naka-off ito. Sana maayos na ito dahil hindi naman masyadong malaki ang halagang involved, pero para sa taxi driver ay malaki na ito. Susubukan pa rin naming i-text si Osang o tawagan at aantayin din namin mula kay Mang Narciso ang latest na kaganapan sa isyung ito. Bukas ang kolum na ito sa anumang paliwanag ni Osang. As of presstime kasi, naka-off ang telepono nito.
PALABAS PA rin ngayon sa mga sinehan nationwide ang videoke-movie na ‘I Do Bidoo Bidoo’ at noong premiere night nito last August 28 ay ginawang dalawang sinehan ang pinagpalabasan ng pelikula mula sa original na plano na isang sinehan lamang.
Ang mga bida ng pelikula ay sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Eugene Domingo at Zsa Zsa Padilla. Present sina Ogie, Eugene at Gary at ang APO Hiking Society trio na sina Buboy Garovillo, Danny Javier at Jim Paredes. Kasalukyang nasa Amerika naman ang isa pang bida ng movie na si Zsa Zsa at inoperahan din ng araw na ‘yun. Bago pa man ang premiere night ay lumabas naman ang magandang balita na successful ang nagging operasyon ng Divine Diva.
Isa sa mga dumalo sa premiere night ng movie ay si John Lapus. Kasama siya pelikula at aminado siyang kahit isang eksena lang ang ginawa niya rito ay sobrang horoned siya at proud na napabilang sa casts.
Sa mga naunang panayam sa kanya, idineklara ni Sweet ang kanyang sarili na jobless after ng kaisa-isa niyang TV show na Makapiling Kang Muli. Pero sa telebisyon lang naman daw ito dahil dalawang pelikula naman ang kanyang ginagawa.“Okay naman ako. Okay naman kasi meron naman akong mga pinagkakaabalahan, ‘yung ‘Of All The Things’ ni Aga Muhlach at Regine Velasquez, na after three years ay finally maipapalabas na, kasama ako d’yan at sa September na po ‘yan. Then si Enteng, si Agimat at si Ako.”
Back to theater naman daw siya come September sa kanyang Alma Mater, sa UST. “By September, magre-rehearse na ako ng isang play sa Teatro Tomasino, at this time, direktor po ako, pang 35th anniversary ng grupo.”
Medyo nalungkot naman si Sweet nang matanong namin sa kanya ang tungkol sa kanyang unang love, ang showbiz hosting. “Naka-miss ang hosting. I miss hosting. Ako kasi, I’ve been working in a showbiz oriented talkshow for the past 19 years, sa career ko sa showbiz.”
“Magtu-twenty years na ako next year sa showbiz, lahat ng trabaho ko ay sa mga talk shows, showbiz tsismis show halos. Nakaka-miss din palang magbigay ng mga tsismis at mag-share ng tsismis sa kanilang mga paboritong artista. Nakakamiss din. So ngayon, bumabawi na lang ako sa Twitter ko at sa Instagram ko. Du’n ako nagbibigay ng mga konting tsismis para naman hindi masyadong ma-miss.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato