NAKAKALOKA ANG balitang humantong sa sakitan ang away raw nina Rosanna Roces at anak na si Onyok. At dahil nga artista itong si Osang, interesado ang press na malaman ang totoong pangyayari. Pero sabi ni Osang sa kanyang Facebook post, huwag daw pakialaman ng press ang away nilang mag-ina. Narito ang FB post ni Rosanna:
“sa mga press na tawag ng tawag …Pls lang Usaping pamilya ito..irespeto nyo naman..hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan ..Para ano Para saan????? makakagulo lANG kayo sa mga isyung dapat kaming mag ina ang involve, Wag nyo ng gamitin ang isyung to sa pag divert sa mga isyung pumapatay sa bawat isa sa ating lahat..YAN ay ang mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan. Wag nyong itulad ito ke Kris Aquino na alam naman nating umaarte lang para pagtakpan ang katangahan ng utol nyang ewan kung anung meron ang isipan. HINDI SHOWBIZ ANG ANAK KO AT UMIIWAS NA AKO MATAGAL NA MAG PA INTERVIEW KUNG WALANG WAWA DIN NAMAN ANG PAG UUSAPAN. ang problema ng INA at ANAK ay di prublema ng BAYAN, kaya nakikiusap ako. MAG ISIP..TALAKAYIN AT PAG USAPAN ANG ISYUNG NAGBABAON SA ATIN SA KAHIRAPAN. Spare us pls….Para na lang sa NANAY ko.”
Eh, ang tanong naming, bakit niya pa nilagay sa Facebook ang mga detalye sa awayan nila ni Onyok gayong ayaw pala niyang malathala ito sa mga pahayagan at ma-broadcasts sa radio at telebisyon?
AYAW PAAWAT ni Jen Geisler, ha, ang babaeng inirereklamo ni RR Enriquez na hindi pa nakapagbayad ng utang sa kanya. Last March 25, sa Ang Latest Uplate ng TV5, nag-guest nang live si Jen para muling ikuwento ang puno’t dulo sa gusot na kinasasangkutan niya kay RR. Kabilang sa mga hosts na nagtanong ay sina Cristy Fermin, Direk Joey Reyes at Congresswoman Lucy Torres-Gomez.
Unang tanong sa kanya ni Direk Joey ay kung bakit ganu’n na lang siya kabilis pinautang ni RR gayong hindi naman sila close nito. “Actually po hindi po talaga kami magkakaibigan pero we did business.”
At sinundan ni Cristy ng “Kumukuha ka ng pera sa kanya, nagpapatubo siya?” Saad ni Jen, “Yes, it’s a lending thing.”
Dagdag pang tanong ni Lucy, “Dito ba walang alahas na involve?” Saad niya, “Wala po, yung sa amin po pure money po actually, umutang…pinautang niya ako ng P2 million in ten months I need to pay parang tumubo siya ng four hundred thousand.”
Matatandaang sa naunang panayam ng namin kay Jen ay inamin niyang merong alahas na nagkakahalaga ng lampas isang milyong piso na ipinagkatiwala sa kanya ni RR.
Sundot pa ng mga hosts, “Parang 5’6?” Tugon niya, “Parang ganu’n, yung P400 thousand plus, ‘yung P2 million, so bale P2.4 Million payable in ten months. Kasi po nagne-negosyo po ako ng alahas, bag, relo kaya po kumuha ako, para yung ibabayad kong tubo sa kanya tutubuin ko sa mga ganun, nagpapaikot po ako. Ngayon po ang weekly ko po sa kanya ay P60 thousand a week.”
San kaya pumasok yung sinasabi ni RR na pinagkatiwalaan din siya ng alahas nito? “Ito nga po kasi ganito po ‘yan, pag nagbabayad po ako sa kanya, kasi nga ho may mga ka transaction ako na hindi …nagkakaroon ako ng problema sa collection kaya nali-late po ako. Ngayon po everytime na nagbabayad ako, ang ibinibigay po niyang tseke hindi po dated, for example this one nagbayad ako nu’ng January 16, ang ibibigay lang niya xerox, hindi pa dated. For example nagdemanda (nagreklamo sa CIDG) siya nu’ng March 12, bakit po? Nagbayad na ako nang tseke ng pang-March 15 and March 30. Ngayon po inipon niya po lahat ng dated kaya po niya pinaputok niya. Ngayon hindi po siya pumutok, its funded. Pinag-stop payment ko kasi nga ho bakit mo papasukin ng sabay sabay (ang tseke sa bangko) masisira yung cash flow. Yung pinakita po niya sa TV na closed account, hindi po sa akin yun.”
Paliwanag pa niya, “Stop payment, its funded. Kapag nagbayad po ako, dapat balik niya yung tseke, hindi po niya binabalik. Xerox lang.”
“Any moment puwede po niya paputukin, yung tseke para puwede po niya akong i-sue, but the thing is I’m asking her to sign something, kasi hindi niya rin po alam na may puwede rin po ako isagot sa mga sinasabi niya.”
Nagdemanda na ba si RR sa kanya? Lahad niya, “Hindi po, she gave a demand letter, I answered.”
Sa huli, inamin naman ni Jen na may utang talaga siya kay RR. Tugon niya kay Cristy, “Hindi ko naman po dini-deny, ‘Nay na may utang ako.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato