SURPRISINGLY, WOMAN of the world kung i-discribe ngayon ng media ang alluring beauty ni Roxanne Barcelo. Kakaiba sa dati niyang personality nu’ng time na nasa PBB (Celebrity Edition) na iyakin at very sensitive. This time, confident na ang dalaga. Alam niya ang kanyang priority in life.
Handa na si Roxee (palayaw ni Roxanne) na harapin ang hamon ng buhay. Mga challenges, experiences to become her a better person. Palaban, handa sa kung anuman puwedeng maganap sa kanyang personal life at showbiz career.
Kakaiba ang beauty ni Roxee in person, simple and elegant with class. Malayo sa sexy pictorial niya sa FHM. Sensual, kaya’t pinapantasya ng mga kalalakihan. May certain aura kasi si Roxee na wala sa iba nating artista. Ibang personality ang gusto niyang i-project kapag wala siya sa harap ng camera. Nag-iiba ang aura ng dalaga kapag nailawan na, ready to shoot, ang bilis ng kanyang transformation as an actress.
Kung dati may takot factor si Roxee sa bawa’t papel na dapat niyang gampanan. Ngayon, ready to accept daring role na hahamon sa kanyang kakayahan as an actress. Palaban, walang limitasyon, willing to go all the way kung kinakailangan sa istorya.
“If it’s worth doing it, why not? Depende sa story at kung sino ang magdi-direk,” say niya.
Inamin ni Roxee may blessing ang kanyang parents to do sexy film. Nasa tamang edad na naman raw siya para magdesisyon for herself.
“I’m 26 years old, passion ko talaga ang pag-aartista. Ito ang propesyong gusto kong gawin. Nag-topless na ako sa “Amaya” ni Marian Rivera ng GMA-7. Kung sa pagiging daring sa movie ang magiging daan para agad akong sumikat, I’ll do it!” Matapang na sabi ng sexy actress.
Kailan lang, naging spokesperson si Roxanne ng Filipino Unite group sa Shangri-La Hotel. Bibilib ka sa kanya, napaka-articulate magsalita. Ang layunin nila ay magkaroon ng awareness ang bawat Filipino to unite and also to excel positive leadership in the face of military aggression from China against the Philippines.
Very confident na nagsalita si Roxanne sa presidential table about all the details regarding FU. “Thankful ako dahil napili nila akong maging spokesperson ng grupo. Naniniwala kaming may tahimik na pamamaraan para ma-solve ang kahit anong problema,” paliwanag niya. “We are here to fight but we will do it right. We are using our voices to spread the light,” dugtong pa ni Roxanne.
Maraming celebrities rin ang naki-join sa grupo ng Filipino Unite. Naniniwala kasi sila sa kanilang ipinaglalaban. “I was even with the group na nagra-rally at umiikot sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ini-launch ng FU ang landmark song called “Woman of the World” at ito na ang simula ng total change ko as a woman and at the same time, as an actress.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield