ANO NGA KAYA ang tunay na rason kung bakit natsugi raw sa isang sitcom si Roxanne Guinoo?
Naku, ayon sa aming spy, ‘lame reason’ nga lang daw ‘yung sinasabing ‘nag-cost-cutting’ ang production dahil kung totoo daw ito eh, bakit tatlo-tatlo pa ang ipapalit sa dalaga? May nagsabi namang ‘non-rater’ si Roxanne at tila nahihirapan daw itong sumabay sa mga gaya ng ibang kasama niya.
Tinangka naming tawagan si Roxanne on this, pero hindi kami nagtagumpay. Hmm, tila mayroon ngang malalim na dahilan kung bakit sa mga susunod na kabanata eh, medyo wala muna sa boobtube ang ganda ni Roxanne.
May isa pang rason na posibleng siyang dahilan diumano ng pagkakatsugi nito, pero we will keep it a secret muna dahil in fairness naman po, wala pa namang sinasabi ang batang aktres on this.
MEANWHILE, ALIW NA aliw naman kami sa espesyal edition ng Wowowee noong Sabado.
Paano kasi sa portion ng Willie of Fortune, pinaglaro ni Papi ang anim na mga anak ng senador o public official.
Layunin nga raw ng sikat na TV host na maipakita sa madla ang ibang bahagi ng pagkatao ng mga naturang kilalang personalidad and he simply did that with flying colors.
Pinakakuwela sa amin ang mga anak nina Sen. Lacson na si Jeric (law student from Ateneo) at anak ni Sen. Honasan na si Kai (music student naman sa UP). Kalog na kalog at cool na cool ang dalawa. Actually si Bryan Revilla (anak ni Sen. Bong) ang katapat ni Jeric sa kontes, na gaya niya ay game na game din sa pakuwela. Pero dahil sanay na kami kay Bryan, he, being a semi-regular showbiz actor, mas naaliw siyempre kami kay Jeric. Sa talent portion niyang I Will Survive, talagang nakuha niya ang atensiyon ng mga nanonood. And so did Kai Honasan na nag-rap.
Of course, we will also give credit sa mga anak nina Sen. Jinggoy Estrada (Janella), Sen. Manny Villar (Camille) at ni Sec. Bert Romulo (na si Berna Romulo-Puyat). Tunay namang ipinakilala nila sa publiko ang pagiging mabuti at karapat-dapat na maging anak ng isang public official.
Among the fathers, mas nakalamang nga lang sa exposure si Sen. Manny Villar dahil live siyang nanood para suportahan ang nag-iisang anak na babae nitong si Camille. Napaisip tuloy kaming baka nga si Sen. Villar ang nag-alok diumano kay Papi Willie ng daang milyong piso para lang iendorso sa darating na eleksiyon?
Hala, napakaaga ngang kampanyahan nito…
NGAYONG ARAW NGANG ito magaganap ang celebrity screening ng Pasang Krus.
Proud kami sa pelikulang ito ni Rosanna Roces na dinirek ni Neal Buboy Tan dahil bukod sa maganda itong lumabas, halos naging bahagi naman nito ang ilan sa mga kaibigan namin.
Ang talent naming stand-up comedian na si Jayah Morillo ay may mahalagang papel dito, pero sobra kaming naaliw nang siya ang maatasang kumanta ng theme song nito. Maganda ang hagod ng boses ni Jayah, no question about it. Pero mas naging maganda pa ito dahil sa husay ng pagkaka-interpret niya ng original composition ni Direk.
Ang isang marketing partner namin na very dear din sa amin na si Tony Rulloda ay may mahalaga ring role sa movie, pati na ang dati naming driver na si Bogs. Hindi kaya semi-producer na ang papel mo, sa Pasang Krus, ha, Dani Flores?
Hahahaha!!
Showing na po ito ngayong Abril 1 at kasama ni Osang dito sina Joross Gamboa, Empress Schuck, Ketchup Eusebio, BJ Morales at ang sister naming si Maricar Santos.
Showbiz Ambus by Ambet Nabus