TALO NA, AAPILA pa si Senador Mar Roxas sa Presidential Electoral Tribunal (PET).
Ito ay ayon sa kampo ni Roxas, na gagawin nila ang apela sa susunod na linggo.
Ayon kay Atty. Jerry Terifrancia abogado ni Roxas, na nakatakda na silang magdesisyon sa susunod na linggo na kanilang itutuloy ang pag-apela sa PET matapos ang kanilang pangangalap ng mga ebidensiya.
Inamin ng abogado ni Roxas na nangangalap pa rin sila hanggang sa kasalukuyan ng mga ebidensiya at mga dokumento na siyang susuporta sa alegasyon ng iregularidad nitong katatapos lamang na kauna-unahang automated election system sa bansa.
Dagdag pa ni Atty. Terifrancia, sa oras na makumpleto ang kanilang mga dokumento na magpapatibay sa kanilang alegasyon, magdedesisyon na sila kung kanilang itutuloy ang pag-aapela sa PET sa susunod na linggo.
Batay sa pinakahuling tally, nabatid na si Roxas ay may dikit na botong nakuha sa nagwaging si Vice-President-elect Makati Mayor Jejomar Binay at iginigiit ng kanyang kampo na mabilang ang halos P3 milyong null votes na siyang pagkukunan ng lamang ng boto ni Roxas sa katatapos lamang na halalan.
Pero inihayag naman ni Vice-President-elect na hindi siya nababahala sa banta ng kampo ni Roxas. (Cynthia Virtudazo)
Pinoy Parazzi News Service