IKINAGULAT NG ilan press ang pagsali ni RR Herrera sa The Amazing Race Philippine Season 2, hosted by Derek Ramsay na magsisimula sa October 6 sa TV 5.
Tinanong tuloy ang seksing morena kung nagpaalam ba siya sa ABS-CBN kung saan siya napapanood?
“Wala naman akong nakikitang problema sa pagsali ko sa TARP at paglabas ko sa TV5. Hindi naman ako contract star ng Kapamilya. Saka parang wala naman silang interest sa akin,” say ni RR.
Nagulat din kami nang diretsahan sinagot niya ang tanong ng isang press na kamukha niya si Anne Curtis.
“Ayoko maging look-alike ni Anne. Kaya nga ako nagbago ng hair style para hindi masabi na magkamukha kami,” say pa ni RR.
Hindi naman daw sa ayaw niyang matawag or maging kamukha ni Anne. Mas gusto raw kasi niya na wala siyang kamukha kundi ang sarili lang. Samantalang okey at masaya raw ang lovelife niya sa piling ng sikat na PBA player.
PANAWAGAN: GRABE ang lamok sa sinehan ng SM Cinema, tulad sa SM San Lazaro na dapat sana ay comfortable kang nanonood pero nadi-distract ka sa kagat ng mga lamok.
Bigyan naman sana ng oras ng kung sinuman na mag-spray ng pamatay ng lamok ang loob ng sinehan para mapuksa ang mga ito.
Aba, sa kagustuhan mong mag-relaks ay magkasakit pa ng dengue dahil sa kagat ng mga lamok habang nanonood.
Sa naturang sinehan din nasaksihan namin ang suplada at walang modong babaeng mestisa pa naman pero ang sama ng ugali at bastos na pultera.
Aba, may papasok sa sinehan at inabot ang ticket pero ayaw kunin nitong malditang pultera dahil ‘di raw niya trabaho ito kundi ang papasok daw na manonood ang dapat gumawa. Sinabihan pa nitong malditang pultera ang manonood na: “Ngayon ka lang nanood ng sine!”
Pinatawag ang manager ng sinehan at pinagharap ang nagreklamong manonod at ang malditang pultera at sinabi ng manager ng sinehan na mali nga ang naging ugali ng pultera at siya na raw ang bahala rito para bigyan ng parusa.
Pero kamakailan ay nagpunta kami uli sa nasabing sinehan at nakita pa rin namin ang magdiltang pultera na parang walang ginawang pagkakamali at parang walang kinatatakutan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo