USUNG-USO YATA NGAYON ang mga walkout.
Si Gretchen Barretto, nag-walkout sa presscon niya dahil hindi niya nagustuhan ang mga tanong sa kanya. Si Kris Aquino, umiskiyerda rin sa taping niya ng kanyang soap matapos maimbiyerna sa news ng Dos na palaging ipinakikita ang pagbigkas ni Baby James ng name ng isang pulitiko sa isa nilang kampanya.
At ngayon, nabalitaan naming isa na namang artista ang nag-walkout.
May nagtsika sa amin na nag-walkout daw si RR Enriquez sa kampanya ng isang mayoralty candidate. Hindi na raw nito na-carry ang maghintay kaya naman wala raw itong paalam na nilisan ang venue. Dapat sana ay kakanta ang hitad ng dalawang songs, pero hindi na ito nangyari dahil umalis na nga ang lokah.
Na-late raw ng dating si RR kaya naman pagdating niya ay isinalang na si Andrew E. Dapat sana ay second performer siya.
Parang hindi raw mapakali sa kanyang dressing room si RR at kinukulit ang coordinator na isalang na siya dahil may taping pa siya kinabukasan. Ang kaso, hindi siya napagbigyan dahil pagkatapos ni Andrew E ay ipinakilala na ang kandidato. At pagkatapos naman ng speech ng candidate ay nag-perform naman si Anne Curtis.
Anyway, marami pala ang nakapansin na hindi nagkikibuan sina RR at Anne habang nasa dressing room. Nagpalitan lang daw ng Hi! ang dalawa at pagkatapos niyon ay nagdeadmahan na ang dalawa. Marami nga ang nagtatanong kung merong away sa pagitan ng dalawa.
Hindi kaya si Anne ang dahilan kung bakit nag-walkout si RR? O baka naman naimbiyerna siya’t hindi siya kaagad naisalang kaya minabuti na lang niya na umalis na.
Anyway, pinasosoli raw kay RR ang kanyang talent fee kaya lang ay half lang nito ang kanyang ibinalik. Ang katuwiran ng hitad, sumipot naman daw siya sa kampanya.
HALATANG GIGIL NA gigil si Willie Revillame noong magkaroon siya ng interview na ipinalabas sa TV.
Ang ipinagsisintir ni Papi, bakit hindi ipinapakita sa telebisyon ang maraming taong dumarating kapag may campaign rally siyang sinasalihan.
Ipinatawag ni Papi ang lahat ng camera man ng network at tinanong kung bakit hindi nga nila kino-cover ang daang libong taong pumupunta sa campaign rallies.
Masyado yatang maangal itong si Willie. Kung may sentimiyento siya, bakit hindi niya ito itanong sa mga namamahala ng news and public affairs Bakit kailangang sa camera man siya magtanong?
INILAMPASO NANG HUSTO ni Gretchen Barretto ang nakababatang kapatid niyang si Claudine nang magtapat ang kanilang mga programa sa telebisyon.
Malaki ang lamang sa ratings ng Maalaala Mo Kaya guesting ni Gretchen kumpara sa self-titled drama series ni Claudine.
Sa March 10 TNS National rating ay nakakuha ang MMK ng 31.4 habang si Claudine ay 14.7. Sa Mega ay wagi pa rin ang MMK sa rating na 23.6 habang si Claudine ay 17.3. Maging sa Metro ay winner pa rin ang MMK ni Gretchen na nakakuha ng 26.4 samantalang si Claudine naman ay 14.7
Ano ang pinatunayan ng rating? Well, sabik na sabik na ang mga manonood kay Gretchen at tila sawang-sawa na sila kay Claudine!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas