TULUYAN nang nag-migrate sa Amerika ang actress at TV host na si Ruby Rodriguez. Ang dahilan nito ay dahil sa bunsong anak na may maselang health condition at may mga special needs na kailangan niyang tugunan.
Ito ang ipinagtapat ni Ruby sa aming virtual interbyu sa kanya after niyang pumirma ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA).
Ang asawa ni Ruby na si Mark Aquino at mga anak na sina sina Toni at Don AJ matagal nang mga U.S. citizens. Si Ruby naman ay 10 years na ring permanent resident sa Amerika. Doon na rin naninirahan ang kanyang mga kapatid bukod kay Dr. Sally Gatchalian na namatay noong March 2020 dahil sa covid-10.
“I’ve been going back and forth and all my siblings are here. With regards to have I relocated, have I migrated, matagal na po kaming nag-migrate, hindi lang ako nagpe-permanent stay,” pagtatapat ni Ruby.
Ang anak na tinutukoy ni Ruby na may maselang kondisyon sa kalusugan ay si Don AJ. Meron itong henoch–schönlein purpura na isang very rare autoimmune disease.
“Matagal na po kasi ito na magbe-break dapat ako because as everybody knows, my son AJ, hindi ko ikinahihiya and I’m very proud of it, my son is a special student. Meron pa po siya na very rare na autoimmune disease, it’s called henoch–schönlein purpura na ang tinitira nun is the kidney. It’s very rare.
“Usually daw kapag uma-attack yon, one time lang. Kaya lang yung kanya, chronic — kaya rare. Kasi hindi dapat paulit-ulit. Yung sa kanya, talagang dire-diretso kaya na-damage yung kidneys niya. Na-kidney biopsy na siya kasi he already has stage 2 nephritis,” kuwento ni Ruby sa kalagayan ng anak.
“We had to bring him here since he’s a citizen and get medical treatment. Sabi ng mga doktor sa Pilipinas, ‘Sige, ipa-check niyo na kasi they have better medications, they’re more advance in some ways.’ We have a doctor here, and what he’s trying to avoid with the medication of my son, we’re avoiding he gets dialysis at a very young age or, worst case scenario, kidney transplant because he’s too young.
“Since kailangan niyang mag-medical treatment dito, alangan namang wala ang ina? Puwedeng wala ang ama pero ang ina, hindi. Family first, he’s my son. Bakit ba tayo nagtatrabaho? Bakit pa ako magtatrabaho, para sa mga anak ko, lalo na para kay AJ,” lahad pa niya.
Sa virtual interview ay nilinaw din ni Ruby ang balitang hindi siya dumaan sa tamang proseso at appointed lang kaya nakapagtrabao agad sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
“I’m starting it out here because paano na kami mabubuhay kung hindi naman ako magwo-work? Mahirap ang buhay dito, alam nating lahat yan. And we don’t wanna be spoonfed by my siblings who are here.
“Na parang ano forever na lang kaming dole-out? Hindi naman puwede. So, I went to the proper channels. For everyone to know, I was not appointed. Hindi po ako appointed,” pagtutuwid niya sa kumakalat na maling balita.
Giit ulit ni Ruby, “I went to the proper channels. I applied, I submitted my curriculum vitae. I did all the requirements that was asked, I did all their hand tests and all. And when I passed, it was sent to the consulate and it just so happened na may vacancy sila for local hire.”