SIMPLE but elegant ang grand opening ng Bag Talks in Uptown BGC owned by Anna Magkawas, best friend of Rufa Mae Quinto. Ang actress – comedienne ang siyang nag-cut ng ribbon sa nasabing event. Bale 3rd store na ito ni Ms. Anna, 1st Luxonlineph Store open 2017 at Market Market BGC Taguig, 2nd Bag Lounge by Luxonlineph Store at Ayala Malls South Park, Alabang Muntinlupa 2018.
“Bilib nga ako sa kaibigan ko ‘yan si Anna, hardworking kaya mabilis ang pag-asenso. Gusto ko nga din mag-benta ng mga branded na bags, shoes, belts, wallets and jewelry. More than 100 plus shoes and bags ang naipon ko. Patong-patong na nga sa cabinet ang mga signature bags and shoes ko, so gusto kong i-dispose para magamit ko sa business. Magtitira na lang ako ng ilang piecss na gusto ko talaga. Papatulong ako kay Anna sa online business niya.
“Imagine, nakapagpatayo na siya ng mansion thru this kind of business. Plano ko din magtayo ng coffee shop, hanap na lang ako ng magandang location somewhere in Quezon City,” pahayag ni Rufa Mae.
Inamin ni Rufa Mae obsessed siya sa mga luxury bags and shoes kaya nakaipon siya nito. “Kapag may bagong labas ang Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Prada and Hermes na type ko, hindi ako makatulog. Kailangan mabili ko yung type kong shoes and bags, investment din naman ang mga ‘yan. Reward ko na ‘yun para sa sarili ko. Iba ‘yung feeling kapag nabili mo ‘yung gustong-gusto mo, masarap ang pakiramdam.
“Si Heart Evangelista, pumunta sa bahay, may nataypan siya signature na bags, binili niya sa akin,” say ng magaling na comedienne.
Ms. Anna sells brand new and pre-owned authentic designer bags and wallets. She create trust and credibility from her buyers, celebrity supporters and maintain to become her loyal clients. To those who are interested to buy luxury bags and other branded items such as shoes, watches and jewelry. Follow Anna in her account at : Youtube: Bag talks by anna, Instagram : bagtalksbyanna, Facebook: Bag talks by anna.