PARA KAY Rufa Mae Quinto, right project for her comeback sa big screen ang pelikulang Ang Huling Henya na ipapalabas sa August 21. Pinaghalong sci-fi at comedy ang tema nito kung saan role ng isang agent ang ginagampanan niya. Leading men niya rito sina Fabio Ide, Kean Cipriano at Marvin Agustin.
“Mahirap ‘yong role ko kasi marami akong ginawang action scenes,” aniya. “Tapos may mga kabarilan ako na mga zombies, ganyan. So, action na comedy. And then, nag-drama Rin ako. Dahil may mga scenes na heavy drama rin. “Scientists ‘yong mga magulang ko kaya ako genius. Tapos pinatay sila kaya ako naging agent. Gusto kong hanapin ang mga pumatay sa kanila.
“Sa story kasi, nakainggitan ko. Kasi ‘yong mga magulang ko, nakaimbento ng formula na nakaka-restore ng mga utak. Tapos may mad scientist na kinukuha ‘yong utak ng mga tao at ginagawa niyang zombie ang mga nabibiktima niya.”
Blooming ang beauty ni Rufa Mae Quinto. Zero raw ang kanyang lovelife pero hindi naman niya itinanggi na may masugid siyang manliligaw ngayon.
“I’m dating someone,” aniya. “Non-showbiz siya. And mabait siya. Nasa dating stage pa lang kami. Basta kung may time, nagkikita kami. Wala muna sa lovelife ang priority ko ngayon. Kumbaga, sila (‘yong lalakI) ang mag-prioritize sa akin, ‘di ba?” natawa ulit na biro pa niya.
“Parang nag-mature na ako na… hindi na ako natatakot or nalulungkot kung wala akong lovelife o meron. Kasi ang dami ko namang puwedeng gawin. Puwede akong mag-travel. Ang dami kong barkada.
“Puwedeng kilalanin ko lahat ng guys na iba-ibang ang nationality. ‘Di ba? So parang ang dami pang ganap. Gusto kong lawakan pang lalo ang mundo ko. Para sure na sure. Yes!
“Kasi buong buhay ko, nagtrabaho ako sa showbiz na parang naging mabagal ‘yong pag-mature ko. Parang marami akong hindi nagawa dati. Na ngayon pa lang ako nagdadalaga talaga.”
May lalabas siyang coffeetable book. At excited din daw si Rufa Mae dito?
“Siyempre hindi mawawala ‘yong mga pictorials na ginawa ko pati ‘yong mga dati pa sa mga photographers ko. Sexy na fab ang tema. Parang then and now.”
Sa maraming taon na ring lumipas, napanatili ni Rufa Mae ang kanyang kaseksihan. Ano ba ang sikreto niya?
“Hindi ko rin alam. Siguro this is it!” tawa na naman niya. And happy living kasi ako, eh. Ito rin siguro ang best gift ng Diyos sa akin. Para patuloy pa akong makapagbigay ng entertainment sa mga tao.”
Bukod sa Ang Huliong Henya, may dalawa pang pelikulang natapos si Rufa Mae. Ito ay ang Raketeros na pinagbibidahan nina Herbert Bautista, Ogie Alcasid, at Dennis Padilla at ang Ride To Love na tungkol naman sa iba’t ibang kuwento ng mga pasahero ng MRT.
May ginagawa ring album ngayon si Rufa Mae. Ang tentative title nito… Rufa Mae: All Out.
So this is it na talaga?
MARAMI ANG nagri-react sa titulong Primera Aktresa ni Lovi Poe. Kanino raw bang ideya ito at hindi naisip na mali dahil sa Tagalog o wikang Pilipino ay wala namang word na aktresa.
Puwede pa siguro kung halimabawa… Primera Artista. O Primera Dramatista. Kasi tama raw sa pandinig. Pero ang Primera Aktresa, maling-mali raw talaga.
Paano kaya kung si Rocco Nacino naman daw ang iisipan ng titulo? Tatawagin siyang Primero Aktoro?
Basta napatunayan mong magaling kang artista, kailangan pa ba na may titulo ka?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan