RUFA MAE QUINTO, NAKAKASAWA NA ANG EMOTE!

SA HALIP NA umani ng empathy (o pang-unawa) si Rufa Mae Quinto sa naging pahayag niya na hindi na raw matutuloy ang kanilang kasal ng dyowang si “Mr. M,” mas marami, myself included, ang nanawa na sa kuwento ng kanyang lovelife.

Open secret na sa showbiz kung sino ang Mr. M na ‘yon sa buhay ni P-Chi, understandable kung nananatiling nasa likod ng alias ang lalaking ‘yon, for reasons na hindi na rin naman lingid sa mundong ginagalawan ng hitad.

Ever since, alam ni RMQ kung saan siya nakalugar, short of saying she can never be the man’s proud bride, even if she so wished she’d walk down the aisle. Worse, isang girlfriend na hindi puwedeng ipagbanduhan sa publiko.

Given such romantic complications, anong ine-emote-emote ni Rufa Mae na kesyo “I’m back with myself!”?!

BALIK-TAGHIRAP NGA ba ang child actor na si Buboy Villar? Balik-taghirap dahil hindi naman galing sa well-to-do family ang mahusay na batang aktor. Ito ang tanong na sasagutin ng Startalk TX bukas.

Mukhang may semblance of truth ang balitang ito, kelan pa ba ang huling trabaho ni Buboy?

He was last seen in Marian Rivera’s MMFF entry last year, so matagal na siyang bayad doon. Sa TV, Buboy’s last regular soap was Panday Kids, kung hindi kami nagkakamali.

Last year did not also augur well for Buboy, sabay pa silang na-ospital ng kanyang kapatid dahil sa dengue. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng assignments noon, nanawagan pa ang kanyang ina dahil kulang ang pambayad nila sa pagamutan.

KAKAIBA ANG GIMIK in the much-awaited Battle of the Champions among the Hall of Famers in Talentadong Pinoy. To the delight kasi of their respective supporters, uuwi sila sa kani-kanilang bayan at doon hahataw ng kanilang mga talents in what is dubbed as “Miting de Avance” beginning today (February 18) hanggang February 27.

Neck-and-neck ang paligsahang kinabibilangan nina Beatbox Gor, Davao’s master beatboxer; Joseph the Artist, Laguna’s Ultimate Sand Artist; The Believers, Muntinlupa City’s broadway ensemble; Newborn Divas, Quezon City’s singing sensational group; Sfazhiva, Caloocan City’s pole dancer; Zion Show, Cainta’s real-life acrobatic partners; Fire Attraction, Cebu’s Poi dancers at RR Friends, Cavite’s dancing duo. All gear up for the forthcoming grand finals.

Hosted by Ryan Agoncillo, Ta-lentadong Pinoy traces the struggles and successes of the Pinoy talents. Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa TV5.

Samantala, get a dose of scare dahil pagkatapos ng TP ay isa na namang makapanindig-balahibong kuwento ang matutunghayan sa Midnight DJ. ‘Bangungot sa Mental’ features Sid Lucero (ows, buti pinayagan siya ng GMA, his newfound home?) who plays Joseph, a mental patient.

In the story, ayaw matulog ni Joseph (hindi dahil “nakasuru”, read: naka-shabu) dahil kapag borlog na siya ay nakakapanaginip siya ng pinapatay na pas-yente, na nagkakatotoo. Siyempre, eeksena ang Midnight DJ Team sa pangunguna ni Samboy (Oyo  Sotto).

Also in the episode is Gladys Reyes, who plays Aida, isang maganda’t misteryosang doctor, na ewan kung bilang newly installed board member ng MTRCB, eh, siya mismo ang nag-review ng naturang palabas para aprub kaagad without cuts…charos!


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCristine Reyes, gustong-gusto ng pamilya ni Rayver Cruz
Next articleSEXBOMB GIRLS, TSUGI NA SA EAT BULAGA!

No posts to display