PINAGTATAWANAN PALA ang pagkapanalo ni Rufa Mae Quinto sa recent Star Awards.
Kasi naman, for five consecutive years na yata siyang nananalo. Parang hindi naman niya deserve ang kanyang acting trophy dahil obviously ay mas marami na ang mas magaling sa kanya.
Bukod sa kinakalawang na siya ay palaos na rin siya, ‘no? Kaya magtigil ang mga ilusyonada niyang kampon na magaling siya. Isa pa, halos extra na lang siya sa gag show na kanyang kinabibilangan, ‘no!
NAGKABALIKAN NA sina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho.
Actually, hindi naman sila talaga totally naghiwalay. Nagkaroon lang ng gap ang kanilang relasyon nang masangkot si Hayden sa sex scandal.
Now, they are back in each other’s loving arms. Magkasama sila palagi, the latest of which was in the charity event organized by Vicky.
At dahil nagkabalikan sila, fly sa US daw itong si Cristalle Henares, dalagang anak ni Vicky na suklam na suklam kay Hayden.
Kaya nga marami ang natatawa sa paeklay ni Edward Mendez na nagde-date sila ni Vicky, dahil ang totoo ay may balikan blues ang famous cosmetic doctor at si Hayden.
COMEDY BAR visionary Andrew “Mamu” de Real has a new mission – ang i-tap ang artistic potential ng mga tomboy.
“Me na-discover akong bagong talents, mga lesbian, magagaling, mga bagets. Kasi sayang naman kung hindi ide-develop kasi kung may magaling na bading meron ding magaling na tomboy,” sabi niya sa amin sa launching ng latest brainchild niya, Destination Heaven Courtyard, a four-bar one-stop entertainment hub along Nakpil-Orosa streets in Malate.
Kilala si Mamu dahil siya ang may-ari ng The Library at siya ang naging stepping stone nina Vice Ganda, Pooh, Allan K at iba pang stand-up comedians.
Sabi niya, hindi naman siya na-inspire sa “That’s My Tomboy” segment ng It’s Showtime.
“Matagal ko nang plano ‘yan, eh, Paula Luz days pa. Hindi nga lang matuluy-tuloy sa Library kasi na-penetrate na ng mga bading. Kaya naghahanap ako ng mga grupo ng tomboy na puwedeng gawing banda.
Destination Heaven offers a wide variety of entertainment. Merong show-stopping performers ala Las Vegas sa Red Banana. Class na class naman ang lounge atmospehere ng Mint. Artsy bar naman ang Zinc na merong nakakalokang paintings sa side. Ang Azzul naman sa rooftop is an al fresco bar offering a fusion of Pinoy cuisine.
“Ang Red Banana and Mint mga dating bars na hinawakan ko. Binalik ko lang kasi ang lakas ng recall sa tao. For you to get back in Malate kailangang maglagay ka ng icon bar,” sabi pa ng Godfather of Comedy Bars.
“I want people to learn and people to know that it all started from here. All the street parties came from Malate. You know that because Ernest Santiago started it all, ‘yung mga ‘78, ‘79 na street parties, ‘yung mga parade na nakakaloka,” sabi pa niya.
Director, grabeng mamisikal!
BLIND ITEM: Namimisikal pala itong director na ito.
Kapag kasi wala sa tono ang actors niya sa isang musical play ay pinapalo niya ito ng patpat na kawayan na kanyang dala-dala sa rehearsals. Kapag hindi rin makuha ang blocking niya ay ganoon din ang kanyang ginagawa.
Naalala namin tuloy ang isang theater director noong high school kami. While throwing lines ay bumaba ng stage ang director at lumayo. Hindi raw niya marinig ang aming boses at galit na galit na umakyat ng stage sabay sigaw sa amin.
Sa inis namin ay binulyawan din namin siya at hinagis sa kanya ang script na hawak namin. Ayun, naloka siya.
Kung kami ang nakatrabaho ng terror na director na namamalo ay baka nasuntok namin siya. Hindi kami pinalaki ng aming ina para saktan ng ibang tao, ‘no!
Perfectionist daw si Direk kaya mataray. Gano’n? Perfectionist mo your face. Kundi ka pa mukhang puwet ng kawali at korteng baboy, ‘no!
Perfectionist, eh, you’re not even human to begin with! P’we!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas