BIRTHDAY BLUES ANG tawag ni John Lloyd Cruz sa nararamdaman at nakikitang lungkot sa kanyang mga mata nu’ng makausap namin siya last Sunday. Walang plano si Lloydie na mag-party on his 26th birthday sa June 24.
Sa US aabutin ng kanyang birthday si Lloydie. This is the reason kung bakit in-advance na ng one week ang birthday niya sa ASAP at birthday presscon para sa kanya ng Star Magic. May mga haka-haka naman na posibleng magkasama sila ni Ruffa Gutierrez na sabay magse-celebrate ng kanilang birthday sa Los Angeles on June 24.
“Bakit naman hindi? I mean, why not? Kung makita ko siya, e, ‘di okey lang. Ako naman, ang talagang kikitain ko, ‘yung mga kaibigan ko. Pero kasi siyempre, medyo we don’t have the same group of friends sa L.A. So, siguro siya, may sarili siyang lakad na kanya. Ang alam ko, parang meron siyang party, ’yung para sa Roof-A-Child Foundation,” pahayag ni John Lloyd.
Habang si Ruffa, puspusan naman ang pagti-taping niya ng episode para sa morning show nila Ai-Ai delas Alas, ang Ruffa and Ai. Last Monday, tineyp ang first episode ng week-long celebration ni Ruffa na ipapalabas on June 23. Tuwang-tuwa si Ruffa nu’ng kantahan siya ng mga anak niya na sina Lorin and Venice.
Live naman for the whole week ang mga episode nila starting last Monday with Maja Salvador, Dagul and Mahal. At nu’ng Martes naman tungkol sa nabibiling fresh at pampaganda sa palengke with their guest na sina Amy Perez, Kitkat at Dimples Romana.
Nagsalita naman si Ruffa tungkol sa ginawang paghahamon ng Mommy niya na si Anabelle Rama kay John Lloyd na huwag i-deny ang kanyang anak.
“Well, as a mother, siguro, ‘yun ang feeling ng Mommy ko pero ako, ang masasabi ko, wala namang dapat aminin pa, kasi, hindi pa umaabot sa pagmamahalan ang friendship namin. We’re just friends so there’s no pagmamahal involved. Pagmamahal maybe as a friend, you care for the person, but it hasn’t gotten that deep,” esplika ni Ruffa.
PINAUNLAKAN NI POKWANG ang imbistasyon ng MTRCB Chairman Laguardia na pumunta sa opisina niya ang co-host ni Willie Revillame sa Wowowee dahil sa pagsuot nito ng gloves na may design ng Philippine flag.
“Okey naman ang pag-uusap namin ni Chairman. Tinanggap ko ang pagkakamali ko. Hindi naman niya ako pinagalitan. Pinaalalahanan lang niya ako na may batas. At siyempre bilang nasasakupan niya ang telebisyon, ginagawa lang daw niya ang trabaho niya,” kuwento ni Pokwang.
Kasamang nagpunta ni Pokwang sa MTRCB ang Executive Producer ng Wowowee na si Phoebe Anievas at ang designer na bumili ng gloves bilang kasama sa outfit niya sa opening number nila last June 12 sa show.
Para kay Pokie dapat din daw ipagbawal ang mga nagbebenta ng mga bagay na nakadisenyo ang Philippine flag para hindi bilhin at gamitin. Basta siya, ‘di roon masusukat ang kanyang pagiging Pinoy at maipagmamalaki niya na nagbabayad siya ng tax para sa bayan.
Nagbigay rin ng reaction si Pokie nu’ng tinawag siyang matanda ni Cristine Reyes. “Well, ang masasabi ko lang lahat tayo tatanda. Dapat meron tayong pinagkatandaan,” lahad ni Pokwang.
Ayon kay Cristine, pinagtutulungan daw siya nina Pokwang at RR. “Wala kaming dapat pagtulungan. Unang-una, bakit sinasabi niya na ako raw dapat ang unang gagawa ng paraan para maayos ‘yung gulo? Excuse me, bakit ko aayusin ‘yung gulo? Hindi ako ang nag-umpisa ng gulo. Hindi ako ang gumawa,” pagdidiin ni Pokwang.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio