BLIND ITEM: MUNTIK nang mag-away ang isang batikang direktor at isang character actor. Inaalok kasi ng role ni direk si aktor, pero ito’y tinanggihan niya.
Ano ba ang role?
Ang role ay isang silahis. At ayaw ito ni character actor. Katuwiran niya, ‘yun na nga ang tsismis sa kanya ngayon, tapos, gagawin pa niya ang role. Me gano’ng factor talaga.
Actually, kalat na kalat na nga ang tsismis na “hadahero” ang lola n’yo na nu’ng minsang mapikon, sinapak niya nang bonggang-bongga ang isa niyang hada dahil hindi sila nagkaintindihan.
Hay, naku… ano’ng buwan na ba ngayon?
BA’T GANO’N? KAHIT nilinaw na nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz na walang namamagitan sa kanila, eh, ang dami pa rin naming naririnig na “may nagaganap” sa pagitan nila?
Hindi namin alam kung ano ‘yung “nagaganap,” pero “Betty La Fea” days pa lang daw, as in super-close na ang dalawa.
Meron nga kaming isang miyembro ng “Betty La Fea” na nakausap, naniniwala rin itong may “samtingan” ang dalawa.
Well, kung meron man at gusto lang nilang manatiling lihim ito, eh, naiintindihan namin. After all, wala naman silang tinatapakan at inaagrabyadong ibang tao, ‘di ba?
Meron ba?
Ba’t gano’n? Nagkita na kami ni Maricar Reyes sa set ng May Bukas Pa, pero hindi namin siya matsika-tsika? Siguro nga, itinadhana na rin ni Bro na ‘wag kaming mag-usap, dahil baka siyempre, hindi makatiis ang lola n’yo’t itanong din namin ito sa kanya.
Aba, eh, alam n’yo na ‘yon kung ano’ng ibig naming sabihin. Maging kayo siguro, kung kayo ang nasa sapatos namin, eh, itatanong n’yo rin ‘yung tungkol sa video.
Hindi na namin itatanong kung true ba ‘yung video, kasi, baka ika-shock pa namin kung makakarinig pa kami ng sagot na, “No, it’s not true po, Tito!”
Mabuti na lang kamo, lagi naming iniisip, ‘pag nasa set kami ng May Bukas Pa, eh nakasaksak na sa utak namin na hindi kami reporter nu’ng araw na ‘yon. Artista kami at wala kaming panahong mag-interbyu.
Kaya pasensiya na kung wala kaming maisi-share sa inyo, kundi ‘yan lang, hehehe.
We have nothing against Ruby Rodriguez. Ang sa amin lang ngayon, opinyon lang. Kung minsan ay nakapapanood kami ng Eat Bulaga, pero ba’t gano’n? Ang tagal-tagal na niya roon, parang hindi man lang niya namo-modify ang brand of comedy niya?
Masyado pa rin siyang dumedepende sa katabaan niya at ‘yung pagpo-poker face na ang tagal-tagal na niyang ginagawa, kaya ang mga televiewers, hindi na masyadong natatawa, bagkus naghahanap nang bagong maipakikita niya.
Hindi masamang i-reinvent ang sarili, lalo pa’t kailangan ngayon ang gano’n, nowadays. Sa dami ng komedyante ngayon, eh, kailangang mag-isip ka ng bago mong gimik, ‘di ba?
Kaya tama na ‘yung paglulupasay sa sahig na parang bata. Tama na ‘yung pagpo-poker face. Tama na ‘yung “pagpapaapi” sa mga co-host porke mataba siya. You reinvent yourself.
At kung paano mo gagawin ‘yon, magtanung-tanong ka sa mga pinaniniwalaan mo, kung ano ang makapagbibigay-sigla uli sa career mo.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM radio at maririnig din nang bonggang-bongga sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz