IMBES NA UMANI ng simpatiya sa publiko, katakut-takot na batikos ang inabot ni Amanda Coling ma-tapos siyang mag-guest nang live sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi. Paano naman kasi, imbes na mabigyang-linaw kung totoo nga ba o hindi ang usaping biktima siya ng panggagahasa ng apat na miyembro ng Azkals na sina Anton del Rosario, Jason Sabio, Neil Etheridge, and Simon Greatwich, puro ‘no comment’ ang sagot niya. Halos bumaligtad na sa kanyang kinauupuan ang host na si Cristy Fermin, wala pa rin siyang mapigang anuman from her kung ano nga ba ang totoong kuwento.
Ang dating ni Amanda sa nakararami, gumigimik lang siya. Dahil marami nga ang nagdududa kung totoo ba talagang na-rape siya ng apat na miyembro ng Azkals. Na baka sinisiraan lang niya ang mga ito.
“Wala pa akong sinasabing anything against anyone. Pangalawa, hindi ako ang nagpasimula nito,” reaksiyon ni Amanda nang ma-interview namin.
Kahit ‘yong apat na Azkals member nga, sinasabi ring hindi totoo ang isyung nang-rape sila. Alegasyon lang daw ito laban sa kanila. Wala raw silang alam tungkol sa bintang na ito.
“With that, no comment ako. Kasi hindi mayaman ang family ko. And if I say anything, baka ako pa ang makasuhan din, ‘di ba?”
May plano ba siyang mag-artista? Ito kasi ang isa pang tinitingnang anggulo ng iba para maghinalang baka nagpapakontro-bersiyal lang nga siya at ginagamit ang Azkals para madaling makilala.
“Model ako, ‘di ba? So… it would be hypocritical to say na wala.
“Kasi eversince no’ng bata pa ako may aspiration na ako to get into showbiz. But I never ever wished or dreamed na ‘yong entry ko is something like this. ‘Di ba? Na… alam mo ‘yon – mapapasok sa ganitong controversy?”
Bakit pa nga ba siya lumantad kung gano’ng wala naman pala siyang sasabihin para sa ikalilinaw ng usapin at halos puro no comment lang ang maririnig sa kanya? Naging complicated lang lalo ang issue.
“Because hindi naman ako stupid. I don’t wanna say anything libelous.”
So what’s her plan? Magdidemanda ba siya?
“Yes. I actually hired a lawyer.”
Ano ang kasong binabalak nilang isampa?
“Pag-uusapan pa namin. May mga naiisip na siya. Pero hindi pa final.”
Baka naman ang maging ending nito, makipag-compromise na lang siya o magpaareglo?
“Basta ako, sa palagay ko, hindi naman ako papabayaan ng Diyos. Kung anuman ang mangyari diyan, I trust in karma, in God, in the universe.”
Nagkikita pa ba sila ng apat na miyembrong iyon ng Azkals?
“The last time I saw them, more than a month ago. That was no’ng June 2 (mismong date kung kailan sinasabing naganap ang panghahalay sa kanya).”
Suppose makita niya ulit ang mga ito? Ano kaya ang kanyang magiging reaksiyon?
“Depende sa magiging reaksiyon nila. ‘Coz me, I have to appeal, ‘di ba?”
Ganyan?
KINUMPIRMA SA AMIN ni Ruffa, totoo ang napabalitang inalok siya ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas ng 4 million dollars kapalit ng pagkakataon na makasama nito ang dalawa nilang anak na sina Lorin at Venice for one week.
“Ngayon napatunayan na hindi ako mukhang pera dahil hindi ko tinanggap ‘yong offer niya,” pahayag ni Ruffa. “Para sa akin, no amount of money can be given to me.
“Kailangang nasa maayos tayo. I work. I make my own living. If he wants to visit the kids, he can come here.”
Bakit nga ba hindi niya ipinahiram ang mga bata to be with Yilmaz? Natakot siya?
“Hindi naman sa natakot. I just think if he’s serious, then you know… invite me properly. Kaila-ngan sigurong makausap ko ‘yong korte about that. Uhm… lahat naman nadadaan sa maayos na usapan.
“Nagulat lang talaga ako na biglang tumatawag siya sa press at nagpa-interview. Puwede naman niya akong kausapin.”
Feeling daw ni Ruffa, isang matinding bagyong parating ang bagong usapin ngayon sa kanila ni Yilmaz. Gusto kasi nitong kunin from her ang custody ng dalawa nilang anak kahit na may naging desisyon
na ang korte before na sa kanya sina Lorin at Ve-nice.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan