SA PRE-PAGEANT primer ng Miss Universe sa Ruffa and Ai sa ABS-CBN bago ang telecast ng pageant mismo, nasabi ni Ruffa Gutierrez na inisip lang daw niya kung sino ang boyfriend niya noong time na ‘yun kaya nag-exude na ang beauty and confidence niya which made her Miss World 2nd princess that year when she competed.
Tinukso-tukso siya ni Charlene Gonzales-Muhlach dahil mukhang alam nito na ang mister niyang si Aga Muhlach ang BF ni Ruffa at that time. Very sport nga si Charlene na nabibiro pa niya si Ruffa at sinabing okey lang daw na aminin ni Ruffa dahil hindi naman siya selosa.
As usual, umechos-echos na naman po ang Ruffing at hindi inamin na si Aga ang nagpapatibok ng puso niya noon, kahit nga nakaraan na ito at hindi pa naman yata nami-meet ni Aga si Charlene at that time.
Sa tatlong former beauty queens na nag-host sa primer ng Miss Universe sa ABS-CBN, si Ruffa pa rin ang sa palagay namin ay napapanatili ang taglay na confidence. Siya pa rin ang mukhang fresh na fresh, despite her visibility and acquired status na dumaan sa kung anu-anong kontrobersiya.
Isinumpa namin ang Bb. Pilipinas mula nang talunin si Ruffa ni Dindi Gallardo nang magkasabay silang sumali, si Ruffa ang naging pang-Miss World, samantalang si Dindi ang pang-Miss Universe.
Napakalakas ng paniniwala namin na kung si Ruffa ang nag-represent sa Miss Universe noon, she could have grabbed the title. Kasi, hanggang ngayon, kitang-kita pa rin sa kanya ang form, bubbly personality and wisdom na taglay ng isang pang-Miss Universe, despite the fact na dinaot ng kung sinu-sino ang destiny na ‘yun.
SI STEFANIA FERNANDEZ ng Venezuela ang hinirang na Miss Universe 2009. Lost na naman ang Pilipinas, and as usual, may kacheapang forecast na kesyo malakas daw ang laban ng Bb. Pilipinas-Universe na si Pamela Bianca Manalo.
Ang nananatiling dalawang Miss Universe mula sa Pilipinas ay sina Gloria Diaz (l969) at Margie Moran (l973). Ilang dekada na ang binibilang, wala pa tayongt bagong Miss Universe kaya nangangahulugang hindi na umuubra ang dating prosesong taun-taon ay niluluto ng Bb. Pilipinas Charities ni Mrs. Stella Araneta.
Palagay namin, hint na ang muntik-muntikanang pagwawagi ni Miriam Quiambao noon at tinalo lang siya ni Miss Botswana na siyang hinirang na Miss Universe dahil sa Q&A portion. Sabi nga ni Gloria Diaz, ang pagwawagi raw sa Miss Universe ay destiny, kapalaran ang nagtatakda.
Kailangang gumawa tayo ng paraan at ‘wag umasa sa suwerteng darating. Si Miriam ay nag-training ng ilang araw sa Venezuela bago nagtungo sa Miss Universe pageant mismo that year when she almost made it. Runner-up lang siya kung tutuusin sa Bb. Pilipinas, pero nagkaroon ng problema sa citizenship si Janelle Bautista na dapat ay naging representative ng bansa roon.
It’s about time na baguhin na ang sistema ng pagpili ng mga kandidatang ipinapadala sa international beauty pageants. Sa Venezuela, may unibersidad o eskuwelahang nagte-training ng potential beauty queens. Taon ang binibilang bago sila tuluyang isali. To the point daw na nireretoke ang mga kandidata para halos ma-perfect ang itsura nila.
Calm Ever
Archie de Calma