Ruffa Gutierrez gives her support and compassion to friend Aiko Melendez

BLIND ITEM: STRICTLY no girlfriends. Ito umano ang batas na pinaiiral ng isang gay TV executive sa kanyang actor-lover who belongs to the same network.

Pero okey lang daw sa aktor ang pagiging overly possessive ng kanyang gay partner, dahil alagang-alaga naman siya in terms of projects. So, ano na pala ang papel ng rumoured film director-mentor-lover din sa buhay ng mahusay na aktor?

Well, he (director) is least bothered by talks na “naahas” ng isang gay TV top honcho ang kanyang dyowa, so secure with himself dahil hangga’t hindi raw nakikita ng kanyang dalawang mata na nagse-sex ang aktor at ang gay boss, hindi siya maniniwala.

As if naman kasi magpapahuli ang dalawa, ‘no! In the meantime, bawal ngang mag-girlfriend ang aktor sa piling ng kanyang gay benefactor from a TV network, famous for his romantic entanglements with actors in his turf one after the other.

‘Eto ang catch. ‘Pag nabalitaan na nating may nobya na ang aktor, ibig sabihin, nakakawala na siya sa poder ng baklang ehekutibong bumabakod sa kanya. And how? That means, the gay TV exec has found another actor-lover, soon to be the next most important star of the station.

ANG MATALINHAGANG LINYANG “Itanong mo sa bulaklak” ni Cristy Fermin on the current issue involving Aiko Melendez and Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses has evoked suspicious perception na ang tinutukoy umano ng batikang TV host-columnist ay si Ruffa Gutierrez being the alleged source of the expose.

Agad nai-associate ang “floral reference” to Ruffa who’s cast in TV5’s Mga Nagbabagang Bulaklak as a scheming, manipulative top lady executive of a TV station. In her tweets, however, nilinaw ni Ruffa na mali ang impresyong agad nabuo sa isip ng publiko.

A figure of speech, for sure, wala sinumang ibig tukuyin si Cristy whom she refers to as “bulaklak” as it can literally mean “flower” kung paanong puwede ring magtanong sa buwan (moon). Alam naman kasi ng showbiz that Ruffa and Aiko’s friendship dates back to their teenage, kikay years.

Hindi rin si Ruffa ang tipo ng maglalaglag sa isang kaibigan tulad ni Aiko who all the more needs her support and compassion in these trying times. Like Ruffa, Aiko’s other genuine friends include Carmina Villaroel, Gelli de Belen, Rufa Mae Quinto, to name a few.

INSPIRED BY GMA’s Starbox, heto’t nilulusob na rin ng Face To Face ang mga barangay. Ngayong araw, hatid ng programa ni Amy Perez ang episode na pinamagatang  Maamong  Tupa Kapag  Na-ngungutang Pero Mabangis Na Leon Kapag Singilan.

Iikot ang kuwento kay Cora (money lender through the so-called 5/6 loan) at ang kumareng umutang naman sa kanya na si Lerma na kabi-kabila ang atraso sa kanilang lugar sa Trece Martires, Cavite. At sa gitna nga ng mga sawsawero’t sawsawera ay nagtuos ang dalawa.

Paano malulusutan ng matapang pang si Lerma ang mga utang niya kung inuutang din niya ang kanyang ipinantatapal sa mga ‘yon? Teka, bakit sa Face To Face idinulog ang problema ng utangang ito at hindi sa barangay ng dalawang hitad?

FYI, sa karanasan namin bilang Kagawad noon ng barangay, ang money lending tulad ng 5/6 ay hindi binibigyan ng atensiyon, kung paanong walang pananagutan ang mga nagpapataya ng “ending” o “lotteng” kung itakbo man nila ang mga taya dahil iligal ang gawaing ito. Bawian n’yo na lang ang mga taong ‘yon sa ibang paraan… joke!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKC Concepcion appeared on a popular U.S. talkshow!
Next articlePBB Season 2 evictee Jolas Paguia has gay benefactor?!

No posts to display