Ruffa Gutierrez, ipinakilala na ang karakter sa “Bakit Manipis ang Ulap?” matapos ang 4 na linggo

Ruffa Gutierrez, ipinakilala na ang karakter sa "Bakit Manipis ang Ulap?" matapos ang 4 na linggoMakaraan ng halos apat na linggo since it piloted last February 15 ay ipinakilala na sa “Bakit Manipis ang Ulap?” ang karakter ni Ruffa Gutierrez.

Ruffa Gutierrez plays elder sister to Roxanne Barcelo, sumbungan nito sa ginawang pag-iwan sa kanya ng asawang si Bernard Palanca. Like the vengeful Roxanne, mukhang scheming din si Ruffa para maipaghiganti ang kanyang kapatid.

Ruffa’s manager Annabelle Rama must have swung a good deal with Viva Communications na siyang producer ng BMAU on TV5. Hindi pa man kasi lumalabas si Ruffa sa kuwento, her name is seen on the opening credits, even billed ahead of Cesar Montano na isa sa four major lead stars (pero namatay na sa kuwento).

Bukod kay Ruffa ay ipinakilala na rin ang karakter ng kanyang kakontemporaryo sa Binibining Pilipinas na si Dindi Gallardo, na isa namang istrikta at metikulosang top executive sa distillery company na ipinamana ni Cesar sa anak na si Meg Imperial.

While Dindi looks corporate in her stance, Ruffa displays her fabulous, glam self na mukhang inilaban din ni Tita Annabelle.

Kung bakit nasabi naming mukhang maganda ang ibinigay na terms and conditions ng Viva kay Ruffa through her manager-mom stems from the fact na tila hindi naging traumatic ang huling nilabasang show nito sa TV5. Ruffa was among the lead stars ng isang serye roon along with Lorna Tolentino and Gelli de Belen na dalawang episodes lang ang umere at nakansela na ito altogether.

Now back in harness, mas inaabangan ngayon ng mga manonood ng BMAU ay ang patalbugan sa acting ng dalawang dating beauty queen who both portray baddies. So, who’s the “worse” actress?

ANG GINANG—na sinamahan ng kanyang anak na lalaki—would have been the first mega jackpot winner in last Friday’s edition of “Wowowin”.

Kung nagkataong ipinagpalit ng misis—a former DH in Kuwait—ang napiling puting kahon (labeled as sampaguita) ay napasakanilang mag-ina sana ang isang milyong piso tseke at bahay at lupa. But she went home with a total of P100,000 in cash, anyway.

Mula nang maging araw-araw ang programa ni Willie Revillame, ganap na alas-singko ng hapon, ay wala pang nakasusungkit ng mega jackpot. Bago ang ginang na ‘yon, may nauna nang muntik maiuwi ang mailap na papremyong ‘yon.

Siyempre, ganu’n na lang ang panghihinayang ng mga miron sa studio. May mga pumapalatak, may mga kumukumpas ng kamay sabay sumisigaw ng, “Sayang! Sabi ko na nga ba, eh!” as if they knew in which flower-labeled box the twin jackpot prize was contained.

But let’s face it, ibang usapan na kung ikaw na mismo ang naglalaro para sa jackpot round. At sa dinami-rami ng mga pagpipiliang kahon, even the person with the sharpest sense of smell sa mga bulaklak ay mahihirapang maamoy kung aling kahon ang magbibigay sa kanya ng magandang kapalaran.

The odds far outweigh the likelihood para magkaroon ng katuparan ang pangarap ninuman to escape the ugly face of poverty.

Para sa sumablay na misis, it was a testimonial of faith and courage. Faith dahil kahit namamasukan pala siya noon sa isang Kuwaiti employer who would beat her up ay tiniis niya ‘yon alang-alang sa kanyang pamilya but believing there would be a better life ahead.

At nang makabalik ng bansa, ipinagdasal niya ang kanyang pagkakapili para maglaro sa Wowowin until she prayed na umabot sa jackpot round.

Courage dahil humulagpos man ang jackpot prize mula sa kanyang mga kamay, it was a game of chance she played until the end. A battle half-won na hindi na masama.

Hindi pa man umaabot sa otsenta mil ang alok ni Kuya Wil kapalit ng nakursunadahang kahon ay kuntento na ang ginang to settle for the money. Malaking kaalwanan na rin daw ‘yon mula sa isandaan at singkuwenta pesos na kinikita sa bawat araw.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSaan napunta ang bayad sa sticker?
Next articleTeejay Marquez, hit sa Indonesia; balik-bansa para mag-shoot ng commercial

No posts to display