NEED NA nga siguro ni Ruffa Gutierrez na mapalitan ang dating mister na si Yilmaz Bektas. Akala ko nga romance made in heaven ang pagmamahalan nila na umabot sa grandiosang kasalan na ang ending ay nauwi rin naman pala sa sakitan at pambubugbog sa kanya.
Mabuti na lang, natauhan si Ruffa at nagkalakas-loob na lumayas sa bansang Turkey kung saan kahit sabihin man na nagbubuhay prinsesa siya with all the luxury and money na inaalay sa kanyang paanan ng kanyang mister, buhay naman niya ang muntik-muntikan na kapalit nito.
Naagapan ni Tita Anabelle ang kanyang nag-iisang anak na babae na maisalba sa mas delikadong buhay. Naalala ko pa nga noon na hindi lang biktima ng violence si Ruffa kundi pati ang pangangaliwa ng mister niya ay nagdurog ng kanyang puso.
I remember na may isang babae na biglang nagpakilala na original wife diumano ni Yilmaz na tuloy, pinagdudahan kung si Ruffa ba talaga ang one and only ng mister na kanyang pinakasalan or just one of those girls gayong sa kultura ng Muslim, puwedeng magpakasal ang isang lalaki kung ilang babae man ang gustuhin niya as long as kaya niya itong buhayin.
The rest is history na nakasulat na lang marahil sa mga challenges and trials na naalpasan ni Ruffa sa buhay. Basta ang mahalaga, nasa kanya ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice, sapat na ‘yun sa kanya.
Ang kasalan nila ni Yilmaz noon na akala ng marami ay kasalang for good ay naghahanap ngayon ng “groom” na matagal na ring naiwanan nakabakante ang posisyon.
Sabi nga ni Ruffa: “As long as that person is kind-hearted, mahal ako, mahal sila, he can drink sometimes, doesn’t smoke, will treat me well,” ay basic requirements niya
Maging ang mga anak niya katuwang niya sa pamimili ng mga manliligaw na papasa sa standard nila. Pero tulad ng sabi nga ni Tita Anabelle kamakailan, most of Ruffa’s suitors ay mga bagets na walang pera; how will Ruffa survive financially?
Basta kung ano man ang tamang magiging desisyon niya, we want Ruffa to be happy. Love namin si Ruffing .
Kaya nga kapag napag-uusapan ang mga kasal at engagement may emote moment si Ruffa. Siyempre, kahit sinong babae, gusto ng kasalan na made in heaven at hindi lang panandalian kundi for good na rin tulad sa mga fairytale na gustung-gusto ng mga anak niya.
Who knows, baka five years from now muling haharap si Ruffa sa altar. “But his time, I need to be choosy for my daughters. Gusto nga nila, kaming tatlo na lang at wala nang iba,” sabi niya.
Reyted K
By RK VillaCorta