OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Nakakaloka talaga ang mga eksena today. Thanks God it’s Friday!
Ewan kung ano nga ba ang ibig palabasin ni Ruffa Gutierrez sa sinabi niyang binastos siya ng sarili nilang show, ang Paparazzi, noong nakaraang Sabado.
Ayaw ko na sanang mag-comment. Kaya lang, hindi ako makatiis sa sinabi niyang binastos siya. Alam n’yo kasi, naging host din ako ng isang talk show, kung saan kasama ko si Kris Aquino at Arnell Ignacio, ang Actually, ‘Yun Na!. Bago kami magsimula, may ibibigay na script ang mga segment writer, kung ano ang takbo ng show at alam namin lahat ang segment. ‘Pag hindi kami approve sa segment, mag-uusap-usap kami.
Kaya napakasinungaling niya kung hindi niya alam ang takbo ng ‘Bulong ng Palad’ na dati, ako ang original nito na binubulong ko sa programa ko sa DZRH kung sino ang tinutukoy ko sa blind item.
Now, birthday presentation niya ‘yun. Dapat lalo niyang malaman kung ano talaga ang magiging takbo ng show. Isa pa, hindi lang naman siya ang sumalang doon sa portion na ‘yun, at wala namang uma-ngal na nabastos, like BB Gandanghari, Iwa Moto at Arnell Ignacio.
Samantala, habang nagbubulungan sila, para siyang kinikiliti sa kanyang kinauupuan. Ngayon, sinabi lang ng mahadera niyang nanay na ganu’n ang binulong, ayun, nag-tweet na ng kung anu-ano na kesyo hindi siya nirerespeto at basura ang Paparazzi. Hahahaha!
Nakakaloka ka, Ruffa! Kasi kung basura ang show n’yo, eh ‘di isa ka sa mga basura. Kasi isa ka sa mga host ng show. At kung hindi ka nirespeto, para sa akin, hindi ka naman talaga karespe-respeto sa mga pinaggagawa mo. Ilang beses mo na ‘yang ginawa. Natatandaan ko na ginawa mo rin ‘yan sa The Buzz, kay Kris Aquino, nag-walkout ka pa, ‘di ba?
Para sa akin, hindi ka kawalan sa show. Kasi, look Ruffa, wala ka namang ginawa kundi ilantad ang mga suot mo na para ka pa ring paparada sa Miss World. Tapos na era mo, kaya hinay-hinay na sa mga ginagawa mo. Kasi hindi naman kami bobo na nagmamasid lang sa mga pinaggagagawa n’yo.
Sana ipagbawal na ang mga artistang nagho-host ng mga talk show. Kasi hindi naman sila cridible at authority sa mga pinaggagagawa nila. Ang dami naman d’yan na karapat-dapat, inaagawan pa kami ng mga trabaho ng mga walang kuwentang ‘yan.
Buti nga, ibinasura ng MTRCB ang reklamo nila tungkol sa sinasabi nilang binastos siya sa nasabing show. Gawa na naman ‘yan ng nanay n’yang butangera. Ayaw ni Amalia Fuentes ng ganyan!
Hindi nila alam, pinagtatawanan lang sila ng mga nakakaintindi sa mga talk show sa pinaggagagawa niya. Kaya charge it to experience na lang. Alisin na ang mga artistang mga nagho-host sa mga talk show, kasi wala naman talaga silang karapatan. Hindi naman sila nagsi-circulate.
Sana makarating ito sa mga kinauukulan, lalo na ang tatlong network na hindi alam ng management ang mga pinaggagagawa ng talents nila. Nagsasabi lang ako ng totoo. ‘Yun na!
AT ANOTHER chikka naman itong maloloka ka rin sa Earth! May balitang marami na nga ang nagsasabi na porke’t may sakit si Dolphy, doon lang naiisip ang pagtatalo sa kung sino ang bibigyan ng National Artist award.
Kumusta naman ang eksenang chikka na ito? Hindi lang naman siya ang dapat bigyan ng National Artist award. Marami pa rin ang mga nakapila. Dapat bigyan na natin ng award ang mga beteranong artista na talagang bongga ang naging eksena nila, gaya nitong si Eddie Garcia.
Kakaiba talaga ang eksena ni Eddie pagdating sa acting. Kasi hanggang ngayon, marami pa rin ang offer sa kanya at tuluy-tuloy pa rin. Kagaya nga nu’ng nakasama ko siya sa pelikulang Tabla. Kakaiba ang lakas niya.
Sa bagay, diyan din siya nakilala sa pag-arte na parang ‘di mabubuo ang araw na hindi siya magpapakitang-gilas sa pag-arte. Bonggadera, ‘di ba?
Lagi na lang akong nananawagan sa mga kasamahan natin, bigyang-pansin ang mga dapat pagtuunan ng pansin. Baka mahuli pa tayo… pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding