GUSTO PALANG maging Karen Davila o Ces Drilon ni Ruffa Gutierrez nu’ng mag-guest siya sa “Ikaw Na!” ni Kuya Boy Abunda sa “Bandila” nu’ng Wednesday para i-promote ang movie ni Vice Ganda na Girl, Boy, Bakla, Tomboy, kung saan kasama siya Rito.
Nag-sample pa nga siya kung paano mag-newscast at aliw na aliw si Kuya Boy.
Actually, habang pinanonood namin si Ruffing eh, naaaliw kami sa kanya. And I’m sure, ‘yun din ang feeling ng maraming televiewers ‘pag si Ruffa na ang nakasalang at iniinterbyu.
Hindi nga alam ni Ruffa na nakakatawa siya, eh. Effortless, ‘ika nga.
Bigla tuloy naming naalala noon, nu’ng magkita kami sa hallway ng ABS-CBN.
Pagkakita sa amin, “Hi, Odg!” sabay halik sa amin, kaya ibinigay rin namin ang pisngi namin sa nakaabang niyang beso.
Tapos, maya-maya, “Oh, my gosh! ‘Di ba, magkaaway tayo? Hahahaha! Ano ba ‘yan?!”
Sabi namin agad, “Nako, kalimutan mo na ‘yon at hindi ka naman mapagtanim ng sama ng loob!”
“Hahahaha! Hayaan mo na ‘yon, Odg! Wala na sa akin ‘yon. Nakalimutan ko na nga, eh. Hahaha!”
Ganyan kakomedyante si Ruffa, kaya wala pa rin siyang kupas sa pang-aaliw sa amin.
NANGYARI NA rin sa amin ‘yan ke Tita Annabelle Rama. Ang tagal naming hindi nagkikibuan, dahil galit-bati, galit-bati naman kami ni Bisaya, eh.
Hanggang sa magkita kami sa isang presscon ni Mother Lily Monteverde at pagdating sa table kung saan nakaupo kami eh otomatik lang na nag-beso kami.
“Nako, ‘Dong! Bakit ba kita hinalikan? ‘Di ba, magkaaway tayo? Hayaan mo na nga, nakalimutan ko na ‘yon. Basta ‘wag mo nang awayin ang kambal, ‘Dong, ha?” Hahahaha!
So, ang tanong: kanino ba nagmana si Ruffa sa pagiging candid?
Oh My G!
by Ogie Diaz