Ruffa Gutierrez, Type Maging First Lady!

NOONG SABADO, May 26 ay ginanap na sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California ang first league ng Bigtime Launch ng Kapatid Network, Aksyon TV and TV5 sa Amerika. Pinangungunahan ng Wil Time Bigtime ni Willie Revillame ang launching at bonggang mga production numbers ang inihanda ng programa at mga naglalakihang papremyo rin ang ibinigay nila sa ating mga kababayan du’n.

Sa June 2 naman ganap na alas-sais ng gabi ay ang second round ng launching kasama pa rin ang Wil Time Bigtime sa Bill Graham Civic Auditorium naman sa San Francisco, California.

Kasama rin sa nasabing launch ang mga bigating personalidad ng Kapatid Network na sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Aga Muhlach, Derek Ramsay, Ruffa Gutierrez at ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.

Noong Biyernes, bago lumipad si Ruffa patungong L.A. ay nakausap namin siya sa airport at masaya niyang ikinuwento sa amin ang kasiyahang mapabilang sa lumalaking istasyon.

Pahayag ni Ruffa, “You know, I’m very flattered na kasama ako from the very beginning. Pa-ngalawa, natutuwa ako na malayo na ang nararating ng TV5, na remember na the first time nag-Paparazzi kami, madilim pa ‘yung ilaw, depressed na depressed, kami kasi andaming sabit, but we made it through our first year anniversary and then dumami na ‘yung mga shows, dumami na ‘yung mga artista sa TV5, so ngayon naman maglo-launch na kami sa Amerika after nu’ng sa Middle East… that’s why, I’m very proud na kasama ako ng TV5, kasama ko siya sa paggo-grow.”

Malaking balita rin ang pagnanais ng kanyang inang si Annabelle Rama na pasukin ang mundo ng pulitika via a congressional seat in Cebu’s North District. Sa isang panayam sa kanyang kapatid na si Richard Gutierrez, nagpapahiwatig itong pabor siya sa binabalak ng ina pero inamin nitong hati pa rin ang kanilang pamilya pagdating sa nasabing usapin.

Pabor kaya siya sa balak ng mommy niya? “Well, up to now hindi talaga ako makapaniwala na kinukuha si Mommy para tumakbo sa Cebu bilang congresswoman. And then kanina nga nu’ng nasa salon kami, sabi ni Mommy, ‘oh, Ruffa, ha? Kung matuloy ako sa Cebu, kailangang tumulong ka sa akin’. Sabi ko, ano ‘to? Tuloy na ba talaga? Sabi ko, ‘are you sure?’, sabi ko, ‘Ma, are you really sure to run?’

“Sagot niya, ‘ay, naku day, mag-aaral na ako next week, mag-enroll na ako, kung hindi man ako mag-enroll, kukuha ako ng tutor’. Malapit ko na nga siyang i-tweet, I tweet ko nga ‘yun.”

Kuwento pa ni Ruffa noong nag-tweet ang kanyang mommy tungkol dito, “Oo, so I think she’s very serious about it, hindi pa kami nag-uusap ng ser-yoso about du’n. When I woke up the next day, nakita ko nagti-trend na lang siya sa twitter. Sabi ko, ‘ay ano’ng nangyari habang tulog ako?’ And ayun medyo galit siya sa akin, kasi nagkaroon ako ng food poisoning when I was away,  tapos siya ang nasalang (sa Paparazzi, bilang guest-co-host), so ‘yun lang kami nakapag-usap.”

Political family talaga ang mga Rama sa Cebu, kaya hindi mala-yong seryoso talaga ang kanyang ina sa binabalak nito. Dagdag pa niya, “Yes the Rama’s really come from a political family, I’m just so saddened, dahil hindi ko talaga akalain na si Mommy, of all people tatakbo. Sabi ko, ‘ay naku ma, magluto ka na lang sa bahay for us’. Kasi masarap magluto si Mommy, so ayun up to now hindi pa rin siya decided, kung sasali o sasalang siya.”

Pero if 100 percent sure na nga si Annabelle na tatakbo, all throughout naman kaya ang magiging suporta niya dito? Pabirong sagot nito, “We’ll cross the bridge when we get there.”

Pahabol pa ni Ruffa, noong bata pa raw siya ay pangarap din daw niyang pumasok sa pulitika, pero habang lumalaki siya ay hindi na raw niya ito iniisip. “You know what my dream when I was a child was to take up international relations and diplomacy or political science, and run for congress, ‘yan ‘yung dream ko when I was 13, 14, 15, years old.”

“Pero sabi ko ay parang hindi ko ‘ata kakayanin. Kasi ang mga intriga sa showbiz kakayanin ko, pero ‘yung mga intriga sa pulitika, I’m sure mas matindi. So I don’t want to go through that kaya sabi ko, happy na akong maging first lady, if ever.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleErik Santos, ‘di raw nanliligaw kay Kristel Moreno!
Next articleTinabla ang bestfriend na si Mo Twister KC Montero, dyowa na ni Rhian Ramos?!

No posts to display