KAHIT KAILAN, aliw kami kay Ruffa Gutierrez. Type namin ang mga tongue and cheek statements na natural lang na namumutawi sa bibig niya depending on her mood or kung ano man ang isyu.
Ever since, isa si Ruffa sa mga outspoken showbiz celebrities natin na very vocal kung ano man ang saloobn niya (usaping showbiz or personal man).
Isa siya sa mga artista na gusto naming maging subject sa isang interview basta wala lang aali-aligid na bumubulong sa kanya, you will get what you want from her. Straight-forward, kaya love namin siya. She speakes her mind. Para siyang si Dina Bonnevie or si Sharon Cuneta or even like Kris Aquino.
Kaya nga sa bago niyang pelikula sa Star Cinema na Maybe This Time with Sarah Geronimo and Coco Martin, she plays boyfriend to Coco na na-develop naman kay Sarah mula nang maging close sila.
I remember Ruffa sa teleseryeng na Betty La Feya kung saan siya ang kontrabida sa buhay ni Betty. ‘Di nga ba’t minsang na-link din siya kay John Lloyd Cruz noong panahon na si Lloydie ay romantically committed kay Shaina Magdayao na aminin man ni Ruffa o hindi na minsan ay sumingit siya kay JLC or shall I say sumingit at umekstra si John Lloyd sa kanya kahit may Shaina pa ito, ang imahe ni Ruffa is “the other woman”.
Pero after all the intrigues linking Ruffa as “the other woman” sa mga may ka-relasyon sa showbiz, quite lang ang “lola” mo at never nag-taray.
Showbiz man or totoo ang ipinapakita niya sa media, we will always love her for her act and style bilang isang babae na marami na ring napagdaanan pero will always remain a survivor.
Reyted K
By RK VillaCorta