“BASTOS SI Piolo Pascual.” Ito ang pahayag ng megastar Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account.
Hanggang ngayon, ayaw pa ring tigilan si Shawie ng sinasabing fans ni Papa P. Kung anu-anong atake, tsismis at mapanirang-puring messages ang tinu-tweet ng mga sinasabing tagahanga raw ng aktor
Hindi ito ang una. Maraming beses na inaatake ng bashers si Sharon na pati ang anak na si KC at mister na si Sen. Kiko Pa-ngilinan ay idinadawit.
Sa totoo lang, natatawa kami sa isyu. Napapailing na lang kami ng ulo. Kung bakit nga naman si Sharon, na para sa amin ay isa sa mga intelihenteng artista natin ay mapagpatol sa mga taong walang mukha.
Sa mundo ng world wide web, mara-ming katauhan ang hindi kilala. Marami ang mga personalidad na nagkukunwari na hindi mo naman kilala. The likes of @Wayne4Emma, @itsmejjled and @vannessaregina na special mention ni Mega na super-duper basher niya sa Twitter.
Ewan ko kay Sharon kung bakit kung kalian siya tumanda, saka siya masyado naging sentisibo. We love Sharon. Noon pa man, mahal na namin si Mega dahil she’s sweet at thoughtful. Pero sa pagkakataong ito, napapailing na lang kami ng ulo.
Ano nangyayari sa Megastar? What’s happening Ms. Sharon? Bakit ka mapagpatol?
Ewan ko nga ba kay Sharon kung bakit mapagpatol sa mga tweet messages ng mga mapanirang messages sa kanyang anak. Nagtataka kami kung bakit si Piolo Pascual ang puntirya niya parati kapag nagre-resbak siya.
Si Piolo ba ang nagtu-tweet? Personal bang mensahe ng aktor ang nakakarating sa kanya na sinisiraan nito ang anak na si KC?
Kung babasahin mo ang mga mensahe ng mga sinasabing “bastos” na “fans” diumano ni Piolo, saliwa ang atake ni Sharon, kung bakit si Piolo ang pinagbabantaan ng aktres. Bakit ang aktor ang pinagtatangkaan niya na i-expose at sasabihin ang sekretong alam niya gayong it is not Piolo ang nagpapakalat ng mensahe?
Sa totoo lang, KC had moved on. May bago na siyang buhay. Tila happy na ang dalaga niya sa bagong pag-ibig na natagpuan sa isang French guy na nagmamahal at magmamahal sa anak.
Word of advice, Sharon should move on na rin. In short mag-level-up na. Tigilan na ang pagpatol sa mga detractors ng mga anak niya. It cheapens Sharon’s intelligence.
By the way Ms. Megastar, ano nga pala ang isisiwalat mong sikreto tungkol kay Piolo? Pa-share naman sa Twitter at Facebook.
AFTER A while na namahinga sa ere, magbabalik ang mag-amang Atty. Jose Sison at anak niyang si Jopet sa revival ng show nilang Kapag May Katwiran… Ipaglaban Mo na ipalalabas sa GMA News TV.
Biglaan daw ang pagbubuo ng produksyon, ayon sa kuwento ni Direk Dante Nico Garcia. In less than a month, biglang binuo ang unang episode ng show na kasabay nu’ng taping, tinutuhog na rin ni Direk Ga ang pangalawang episode.
Bago pa man ang mga legal show sa telebisyon, nakamulatan na naming panoorin ang show ni Atty. Sison.
At least si Atorni, hindi showbiz. Ayaw masabit sa mga iskandalo sa showbiz.
Kaya nga nang tanungin siya sa presscon cum press preview ng show niya last Monday sa Music Museum tungkol sa pagka-involve ng isang controversial lawyer ng mga pulitiko na nai-involve sa isang dalagitang showbiz personality, isa lang ang pahayag niya, “Ayaw kong magkaroon ng kaaway. Kaming mga abogado , dapat magsilbi,” sabi nito.
In short, reading between the lines; ang papel ng mga mambabatas sa lipunan ay tumulong at huwag sumali sa katsipan!
Sa first episode ng legal show, bida si Dominic Roco at Glaiza de Castro na mga bida rin sa pelikula ni Direk Ga na #MadalingArawMahabangGabi na palabas na ngayong araw.
Reyted K
By RK VillaCorta