SA TAGAL nang nadedelay ng highly anticipated action fantasy series ng GMA na ‘Lolong‘ ay hindi na kataka-taka kung bakit tila naaapektuhan na ang mga taong involved sa proyekto lalo na ang bida nito na si Ruru Madrid.
Ito ang matapang na inamin kamakailan ni Ruru Madrid, na nag-umpisa ang showbiz career noong siya’y 14 years old pa lamang sa reality-based artista search na Protege.
Kahit na hindi siya ang nanalo, napansin naman ng kanyang home network ang kanyang potensyal kaya naman ito ay isa sa mga ginu-groom as their prime leading men.
That didn’t stop him from feeling depressed. Ang supposed biggest TV break niya kasi na Lolong, na talagang pinaghandaan niya ng husto by undergoing workshops and trainings ay ilang taon nang nadedelay.
“To be honest, last year 2021, it’s not a good year for me. Ang dami kong pinagdaanan na mga challenges. Umabot sa point na medyo na depress ako, nawalan ako ng drive, ng passion,” pag-amin ng binata.
“Lolong, I’ve been waiting for this project since 2019, lagi ko nga po nake-kwento sa inyo na sobra kong nag-wo-work out, kahit puyat ako nag-wo-work out ako, nagda-diet ako, nagre-research ako about my character but dahil nga siguro sa mga delays or dahil na rin siguro sa pandemic lagi po kaming nade-delay, lagi po kaming naka-cancel.
“So, umabot sa point na parang baka hindi ito talaga yung bagay na para sa akin, baka hindi ito ‘yung propesyon na para sa ‘kin, maybe kailangan ko bumalik ng pag-aaral para hanapin na yung bagong propesyon na ‘yun. Dumating na ko sa point na ganun.”
Dagdag niya, “But then, I realized andami ko na pinagdaanan, I started when I was 14. When I was still a kid na wala ko iba iniisip kundi mag-enjoy and I was a dreamer before. But right now, dahil lang sa mga ganitong pangyayari, nawawalan ako ng pag-asa hindi dapat mangyari ‘yun. Pinilit ko yung sarili ko makabangon from sa baba talaga dahil papaano naman yung mga taong naniniwala sa akin.”
Gayunpaman, hindi nagpapatinag si Ruru.
“This time, dahil nga naka-survive ako doon sa nangyari sa ‘kin last year, kahit na ano pang pagsubok ang pagdaanan ko, kahit na ano pang challenges ang pagdaanan ko, kakayanin ko na. Hindi ko na hahayaan ‘yung sarili ko na ma-depress ako or malungkot ako as long as may goal ako.”
Sana’y mapanood na natin si Lolong as soon as possible para naman mapanood na natin ang mga pinaghirapan ng mga tao sa likod ng ambitious project na ito.