Kung ipinoprotesta pa rin ngayon ang “panakaw” na paglilibing sa namayapang diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, nagbubunyi naman si BB Gandanghari dahil sa wakas, tuluyan na niyang “nailibing” ang “patay” nang si Rustom Padilla.
Yes, legal na ang pagiging babae ni BB at ang kanyang pangalang Binibini Gandanghari. Pormal na kasing kinilala ng Los Angeles court sa Orange County ang pagpapalit ni BB ng pangalan at kasarian.
Masaya naman itong ibinahagi ni BB sa kanyang Instagram account. Aniya, “This is it! And I thought this day would never come.”
Dagdag pa ni BB, “And I thank my GOD and my LORD for making these things happen. Everything makes sense now, and to this great country the United States of America for providing this [basic human right]. Thank you!”
Matatandaang unang inamin ni Rustom ang kanyang pagiging isang bading sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006 nang ipagtapat niya ito sa kanyang housemate na si Keanna Reeves. Matapos ang PBB, muling lumantad si Rustom, pero sa pagkakataong iyon, bilang isa nang transgender na si BB Gandanghari.
Nakabase ngayon sa Amerika si BB at kasalukuyang nag-aaral sa University of California in Los Angeles (UCLA).
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores