NAPASYAL TAYO sa isang show ng Comedy Cartel sa Relik Tapas Bar sa The Fort ng Taguig City. Kasama roon ang ating kaibigan na si Ruther at ang mga kasamahan niyang stand-up comedian. Ang talagang nagbigay sa akin ng pansin ay ang tambalang Ruther and his Brother Teddy, the puppet.
Pakinggan natin ang kanilang mga punchline. Inilabas mula sa katamtamang laki ng maleta si Teddy, ang puppet ni Ruther. Naunang nagbitaw ng salita si Ruther, at ito ang kanilang sagutan.
“Hello brother Teddy!” Pagbati ni Ruther sa puppet na si Teddy.
Ito naman ang tugon ni Teddy the puppet. “Mabuti naman, Lord kinukuha n’yo na ako? Bago ako, si Ruther muna. Nasaan tayo?”
“Nasa Relik…”
“Ah… Relik, ancient na ancient ha?”
“Ah… Tapas Bar and Restaurant, masarap food dito.”
“Eh… ano,’ng ginagawa natin dito?”
“Ah… meron tayong comedy night, comedy session ng Comedy Cartel. Masaya po ba kayo na nandito tayo?”
“Hindi!”
“Bakit naman?”
“Masaya?! Tatlong oras ako do’n sa maleta, masaya? Ikaw kaya ang isaksak d’yan sa maleta at tanungin kita kung masaya ka?”
“Ang sabi ko po sa kanila marriage counselor kayo.”
“Oh, yes! I’m a marriage counselor.”
“Pero ano… paano kayo naging marriage counselor?”
“Ah… I was in the seminary, they called me Brother Teddy…” sabay lingon ng puppet kay Ruther.
“You were a priest?”
“No!” matikas na tugon ni Teddy the puppet.”
“Bakit hindi kayo nagpari?”
“Nag-asawa ako.”
Ani Ruther, “Bakit?”
“Pareho lang, eh…”
“Oy… me Catholic friends tayo, baka ma-offend.”
“Eh… pareho lang, eh. Kapag ako ay nagkaasawa at nagkaanak, ang tawag sa akin father. Kung nagpari ako, father pa rin. Mag-asawa na lang ako, na-enjoy ko pa…”
“Enjoy po ba talaga ang buhay me asawa?”
“Sa una.”
“Ano po ba ang sikreto ninyo sa buhay may asawa? Ano ang sikreto sa happiness?”
“Happiness? Masaya? Ang sikreto sa pagiging buhay me asawa…. Gusto mo palang sumaya, bakit ka nag-asawa?! Ang pag-aasawa hindi puro saya. Kumander! Kumander and tawag diyan. Isipin ninyo, ‘yung misis ko nananakit na, eh!”
“Anong ginagawa mo kapag nag-aaaway kayo?”
“Niyayakap ko nang mahigpit.”
“Oh… sweet!”
“If you are angry, don’t say anything that would hurt your wife. Don’t curse her, don’t say… ‘wag kayong magmumura, asawa, mumurahin… masama ‘yon. Bakit nu’ng niligawan ninyo ba siya, nu’ng nanligaw kayo, minura n’yo? Sinabi n’yo ba, ‘will you marry me? Syeeet!’ Hindi naman, ‘di ba?”
“Eh, ano pong ginagawa nyo?”
“‘Pag ako’y galit na, hindi ko mapigil, sinasabi ko sa kanya, God bless you!”
“Ang ganda, galit kayo, ganu’n pa nasasabi ninyo?”
“‘Pag galit ako, sasabihin ko, ‘Hoy! Galit ako sa ‘yo, God bless you ka!’ ‘Eto ang sa ‘yo, God bless you!’ Maga-God bless you ka rin, anak ng God bless you ka!
“Any last words to all of them…”
“To all of you, God bless you na lang.”
“Eh… paano, mauna na ako.”
“Eh, sino itong magbabalik sa akin sa maleta?”
Nagbigay payo si Teddy.. “Ah… kayo ‘yong mga single. Alam ninyo ang dahilan kung bakit kayo single? Dalawa lang. ‘Yung una eh.. maselan kasi kayo. ‘Yung pangalawa eh, maselan kasi sila,” paangas at papilosopong tugon ni Teddy. Hehehe.
“Salamat, sa maleta na ako. Anlakas-lakas mong kumita, ang liit ng maleta… (pabulong-bulong ni Teddy) Ruther! God bless you ka!” Pagtatapos ni Teddy, ang puppet ni Ruther.
Hehehe, natawa akong grabe. Siguro dahil asal bata rin ako. Pero no jokes, I’m serious. Ang husay ng batuhan ng dalawa. Mas sanay sila sa pagpapatawa ‘pag may kabatuhan siyang puppet. Saludo tayo, mahusay ang konsepto at jokes bilang manunulat ng mga jokes itong si Ruther.
Oh, ano, may napulot kayong mga jokes?
Ito ang larawan ng katatawanan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected]; cp. no. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia