ISANG PUPPETEER ANG ating naka-panayam sa katauhan ni Ruther Urquia. Isang mahusay na magician at tinatawag na ventriloquist, na ngayon ay nasa bakuran na ng Star Magic. At tayo naman ay pinaunlakan mga bosses sa pangunguna ni Johnny M., na makapanayam ito samantalang ito ay nasa pictorial somewhere in Makati.
Bilang isang artist-painter, nais kong malaman ang marami pang bagay na may kinalaman sa maka-artistikong bagay. Anyway, ang tuwa ko nang husto nang aking makita si Ruther na binigyang-buhay naman ang puppet na si Pikoy… este, Titoy.
Nang sabihin kong ‘hello, Titoy’ sa puppet, “Hello po,” sagot niya. Naku Titoy, ikaw din idol ko. Hahahha! “Kamukha mo si Direk Carlo Caparas,” sey ni Titoy. Ah hindi, si Carlos Caparejas lang, hahahah! Direk Carlo, bossing, i-doble mo kaya ako nang maambunan naman ng biyaya, hehehe. Lamang na lamang kayo sa ‘kin, nawawala ang pangalan ko. Balikan natin ang puppet… Titoy lang? Wala kang apelyido? “Meron po!” Eh, ano sige nga? “Titoy Kuyakoy! (sabay bungisngis).” Makulit nga ito. ‘Pag nakita ka ni Dodieng Daga, ewan ko sa ‘yo baka matakot ka. Ilang taon ka na, Titoy? “6 years old po.” Anong gusto mo maging paglaki mo? “7 years old po.”
Mukhang magkasundo ang mag-amo sa batuhan ng tanong. “Si Bentong po!” Nagtatawanan kami ng todo sa kulit ng mag-bossing. Ikaw sinong crush mo Titoy? “Si Kim Chiu po (sabay kanta ng Paano na Kaya?).” Wow, huh! Dale ka sa mga fans, ayaw nilang palitan si Gerald. Ayaw mong mag-artista Titoy? “Gusto kong maging news anchor katulad ni Arn-arn.” ‘Yun tatalunin mo, Titoy? Paalam ka kay Igan para makausap mo siya, Titoy. “Ah, distant relative ko si Arn-Arn.”
Ruther: Eh, bakit nandon sa kabilang channel?
Titoy: Eh, kaya nga distant, eh.
Ruther:
Gaano ka-distant?
Titoy: 10 kilometers.
Hindi ah, sabad ko, 5 kilometers, kasi 2, tapos ‘yung distance niya sa 7, eh ‘di 5… Hahahah!
Kung mag-aartista ka, anong gusto mong role, Titoy? “Gusto kong maging si Vice Ganda. Idol ko ‘yun. Ang galing magpatawa. Ito ang score ninyo, zero.” Sige ka! ‘Pag hindi ka sinipa niyan, si Petrang Kabayo yata ‘yun.
Paano mo natuklasan ang pagpapagalaw mo sa puppet? “Noong bata pa po ako. Naisama ako ‘dun sa mga grupo ng mga puppeteers sa church, ako lang ‘yung bata. Lahat matatanda, ‘dun na ang-start.”
Wish ni Ruther na magkaanak na ang asawa niya, dahil, sabagay apat na taon na si-lang nagsasama. Uhum! Sige lang Ruther, sa pagsasama ninyong mag-asawa, ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Huwag ka lang nag-iisa, malabong magkaanak ka. Hahaha!
Nagselos naman si Titoy, “Ako na lang daw anak niya kasi tipid ako, eh. Hindi ako naggagatas. At saka hindi ako nagda-diapers.”
Anyways, i-like n’yo naman ang fan page ni Titoy the Puppet sa Facebook. “One hundred thousand million na fans ko. Hindi po kinaya ng Facebook, nasira eh, umusok.
Paano naman, nabihasa ni Ruther ang pagpa-puppet? “Kasi ang peripheral view ko po parang mata ni Titoy.” Ah, ‘yun ang technique dun? Kunwari ‘yung mata mo nakapasok sa kanya, pati ‘yung ilong mo, pang-amoy? “Oo, hahaha! Pati ‘yung utak mo, ii-split mo sa two, o three.”
Paano mo napaghihiwalay ‘yung boses, kasi parang nakapasok na nga sa puppet. Hindi kaya may kili-kili power ‘yun, wala naman? “Ang tawag du’n eh, diaphragmatic breathing. Iyong breathing from the diaphragm. ‘Yung mga classical singer alam nila ‘yun kasi diaphragma-tic sila kumanta. Pero, tiyak ‘pag malalim ang hugot mo tapos may gumagalaw na object, parang ‘dun nanggagaling. Ang matagal naman gawin ay cha-racter development ng puppet.”
Sa pagtuturo naman, sinabi niyang ‘di ito mabilis kasi dapat matutunan mo ang tinatawag na secret of the trade.
Uhum! Titoy, hindi ka ba nakakahalata, parang bading ka, nakahawak ka sa hita ko? Ano kaya ilagay natin d’yan sa hita mo. “O sige dito na lang.” Hahhaha! Biro lang, babae ka ba o lalaki o bading, Titoy? “Lalaki po. Gusto n’yong tingnan?” ‘Wag na! Baka ma-censor tayo.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia