Ryan Agoncillo, ‘di na ikinagulat ang pamamayagpag ng kanilang sitcom

Ryan Agoncillo
Ryan Agoncillo

Hindi na ikinagulat ni Ryan Agoncillo ang pamamayagpag ng kanilang well-loved comedy sitcom na “Ismol Family”.

Ayon sa aktor, marami raw kasi ang nakare-relate dito dahil sa mga lessons which the program imparts to its audience. Labis tuloy ang tuwa ng buong cast and crew dahil dalawang taon na silang umeere. “Lahat kami namamangha, eh. I would think it’s simple fun. No stress kasi siya, eh. The scripts have been very playful pero very straightforward. Pampamilya siya talaga because may teenagers dito, anak at magulang. ‘Yung chemistry rin ng grupo namin is also a factor. May mga araw that we go wild dahil tawa nang tawa kaya hindi kami makatapos ng isang take,” says the celebrity dad.

PAGKAKATAON NA ni Baron Geisler to resurrect himself sa gitna ng public perception na isang maliwanag na gimik lang ang namagitan sa kanila ni Kiko Matos until they ended up at their URCC cage fight.

Viewers of TV5’s “Happinas Happy Hour” tonight can’t wait too see kung anong depensa ni Baron as Ogie Alcasid and Janno Gibbs grill him in Maboteng Usapan.

Pero siyempre, sa simula ng HHH ay isang sumasagitsit sa init na dance number ang hatid nina Daiana Menezes, Margo Midwinter at Abby Poblador as they are joined in by UFC Octagon vixen Red de los Santos.

Mas paiinitin pa ito ng Sipsib Buga fun game, a spin-off of the party favorite Suck & Blow, na lalahukan ng HHH tropa. Not to be missed is its newest segment, ang Bekihula, where Korean bombshell Jinri Park and sultry model Nancy Leonard put on their “gaydars” to determine who’s beki.

Kung bitin pa kayo, abangan ang paglalakbay back in medieval times as HHH does a funny spoof on Gay of Thrones. HHH airs at 9 pm on TV5, saan ka pa?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMga proyekto sa classroom, sa mga estudyante sinisingil!
Next articleRichard Yap, pressured sa pagbibida sa “Mano Po 7”

No posts to display