BONGGA SI RYAN Agoncillo dahil pasok ang magaling na host-actor sa cast ng mini-series ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5.
Para kay Ryan, isa itong mala-king karangalan at sakripisyo. Karangalan dahil sino ba naman ang hindi magiging proud makasama ang award-winning actress like La Aunor, at ididirek pa siya ng multi-awarded ding si Direk Mario O’Hara, huh!
Sakripisyo, dahil kailangan niyang i-divide ang oras niya sa pag-”tambling” niya sa mga projects na kanyang gagawin in the next weeks – Talentadong Pinoy at Eat Bulaga sa TV at ito ngang Nora soap.
Bukod pa ito sa Metro Manila Film Festival movie nila ng asawang si Judy Ann Santos, directed by Jose Javier Reyes na anytime now ay magsu-shooting na, or baka nga nagga-grind na ang camera.
Markado ang role ni Ryan sa mini-serye dahil katiwala siya ng mag-asawang Nora at Christopher de Leon sa istorya.
Kailangan nga lang maki-pagsabayan ni Ryan sa aktingan dahil mga higanteng aktor ang makaka-eksena niya in Nora and Boyet, huh!
Kung katrabaho ni Ryan ang nag-iisang Superstar na si La Aunor sa TV5 series, umu-uwi naman siya sa bahay nila ng asawang Young Superstar na si Juday.
Naka-text namin si Juday noong pagdating ni Nora last week, at reply nito ay talagang marami raw naka-miss sa “nag-iisang Nora Aunor”, na nakasama niya sa pelikulang Babae.
Bukod kina Boyet at Ryan, pasok din sa cast ng mini-serye sina Eugene Domingo, Nadine Samonte, Edgar Allan Guzman, at kontrabida si Rosanna Roces.
We have yet to confirm this report, pero ang alam namin, maka-cut short ng 8 weeks ang The Sisters ni Nadine, instead of the original one season (13 weeks), dahil kailangang mag-give way sa Nora series na papasok sa Oktubre.
Sana lang ay magka-show rin ang ibang nasa cast ng The Sisters, hindi lamang si Nadine, sakali mang ma-cut short ang series.
AFTER 16 YEARS, nagbabalik bilang isang certified Viva contract artist ang actress-singer na si Ara Mina.
Kamakailan lang ay pumir-ma siya ng 5-year talent management contract sa Viva Artists Agency, ang ta-lent management arm ng Viva Group of Companies.
Present sa naganap na contract signing sa Viva office sa Ortigas Center, Pasig City ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario at ang anak nitong si Veronique del Rosario na siya namang boss ng nasabing talent management office.
Bago napunta si Ara sa pa-ngangalaga ng former business manager nitong si Dondon Monteverde at gumawa ng mga pelikula sa Regal Entertainment, nanggaling nga noon si Ara sa Viva.
Hindi lang manager ang naging turing niya kay Dondon, kundi kapamilya na nito. Kung noong simula ng pag-aalaga ni Dondon kay Ara ay may ta-lent management contract ito sa aktres. The next ten years ay wala na at based on trust na lamang ang lahat, dahil family nga ang turing nila sa isa’t isa.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro