The COVID-19 virus strucked the world and many of us were caught unprepared, especially in living the new normal with our families.
Good thing there is a daddy or “tatay” in the house who ensures that his family’s health and well-being are always protected, with less words and more leading actions.
Bilang tribute sa mga ama ay gumawa ng video si Ryan Agoncillo in partnership with Taiwan Excellence para saluduhan ang tinatawag na “man of the house.”
Bida sa video si Ryan na siya rin mismo ang nagdirek. Ipinapakita dito kung paano niya protektahan ang mga anak and how he is as a father.
“Generally, dads use lesser words in guiding his children about excellence and still, he gets the job done. That’s how good he is!” simply says Ryan.
Sa interbyu namin kay Ryan via Messenger ay ibinahagi ng actor/TV host kung paano niya dinidisiplina ang kanilang mga anak ng aktres na si Judy Ann Santos. The couple has 3 children – Yohan, Lucho and Luna
Ani Ryan, “Ang tema ng disiplina hindi nagbabago. Yung values imparted, consistent. Pero yung pamamaraan ng pag share ng learnings depende sa edad at sa sitwasyon ng bata.”
Eh, sino ba sa kanilang dalawa ni Judy Ann ang mas disciplinarian?
“Our values are very much aligned,” tugon ni Ryan. Dagdag pa niya, puwede rin naman daw disiplinahin nang hindi masyadong masalita or less talk ang mga bata pero depende raw ito sa sitwasyon. “Puwede rin naman. Puwede kung sa puwede, pero depende,” sambit pa niya.
When asked kung sa palagay ba niya ay isa siyang “perfect dad” his reaction was, “Far from it. Very far. I am just giving it my best, learning all the time.”
Mapapanood ang ginawang video ni Ryan sa https://www.facebook.com/
Samantala, masaya si Ryan na ngayong panahon ng “new normal” ay iho-host niya ang isang talent show (Bangon Talentadong Pinoy sa online at free TV) na magpapakita ng katatagan at galing ng mga Pinoy.
“Masaya ako dahil naakma siya at napapanahon. There has never been a perfect time to showcase the Filipinos resiliency and talent,” wika pa niya.