DAHIL SA BOX-OFFICE success at magagandang reviews sa In My Life, marami ang curious kung ano kaya ang saloobin ni Ryan Agoncillo who was first offered for the role of Luis Manzano?
Matatandaang kay Ryan ito unang inalok lalo na noong time na kaliwa’t kanan ang mga ginagawa nito, short to saying na hot na hot siya noon.
But he declined dahil hindi niya type ang gay role kahit pa sabihing si Gov. Vilma Santos pa ang makakasama niya at isang John Lloyd Cruz ang magiging lover niya sa movie.
Now, we’re wondering kung totoo ang kumakalat na tsismis na nanghihinayang diumano si Ryan at parang nagsisisi na hindi niya napag-isipan nang tama ang ginawang desisyon dati?
IBANG KLASE ANG karanasan ko last weekend dahil first time kong umarte sa isang action movie! Yes, as in action movie, ang Panday, ang entry ng Imus Productions at GMA Films sa darating na MMFF.
Naku, kapatid na Alex and dear Parazzi readers, mabuti nang sa akin na manggaling ang panlalait ko sa aking sarili. Ha! Ha! Ha! Dahil maarte lang talaga ako at hindi isang artista.
Sobrang touched lang ako talaga kay Senador Bong Revilla who reprises the classic Panday role with much difference dahil grabe ang pag-alalay na ginawa niya for me to deliver the part kahit mahirap. Nakakataba ng puso ang pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at pagmamahal. Ibang klase ka talaga Senator Bong! Muntik na akong mag-backout lalo pa’t ang gumaganap na si Lizardo na si Kuya Ipe Salvador ay grabe akong binibigyan ng press release na magdadrama ako at makikipagpatayan sa eksena. Nakakaloka talaga!
Hindi naman ako action star pero binigyan nila ako ng fight scene sa movie, plus may moment pa ng drama with veteran actress Luz Valdez. Nakakaloka ang karanasan kong ‘yun during the last shooting day sa matulaing lugar ng Tanay, Rizal.
I also wanted to say thanks to Congressman Dan Fernandez na super alalay rin kay Senador Bong sa pagtuturo sa akin ng tamang galaw at arte (in fairness, pinilit kong gawin dahil sa kagat ng mga langgam sa paa ko dahil kinunan ang eksena sa putikan na nilagyan lang ng mga ipa ng palay). Imagine, isang Senador at isang Congressman ang acting coaches ko, plus stunt director at ‘yung totoong direktor ng movie? Kung hindi ko pa magagawa nang tama ‘yun, talagang pagtatawanan ko na ang sarili ko ng malupit. Ha! Ha! Ha!
Read Ambet Nabus’ Blind Item: Sikat na young actor, dedma sa gay friend
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus