SINA SAM Pinto at Marian Rivera raw ang mahigpit na magkalaban sa sexiest women ng isang men’s magazines. Pangatlo lang daw si Ryza Cenon na mas nakaka-“L” ang ginawang pagpo-pose sa cover ng nasabing men’s magazine.
Sa isang fashion show, kung saan ay nagpatalbugan daw ng kanilang kaseksihan sina Michelle Madrigal, Marian Rivera at Ryza Cenon minus Sam Pinto, tila matunog na si Marian na raw ang tatanghaling sexiest woman ng nasabing men’s magazine at hindi si Sam na hanggang paseksi lang daw ang alam pero bano namang umarte.
Anyway, sa paseksihan na ginawa ng tatlo on stage na sumasayaw ay mas daring at super seksi ang dating at ginawang pagsasayaw ni Ryza kaya hindi kami nagtaka nang makarating sa amin na dinagsa ito ng offer ng mga DOM.
Imbes na magalit ay flatter pa raw si Ryza dahil pinapantasya na siya ngayon ng mga kalalakihan. Not like before na manang ang tawag at dating niya. Umabot pa sa puntong napagkakamalan siyang isang tomboy.
SA PAGDATING ni Jaya sa 60th birthday celebrtation ni Nora Aunor na inihanda ng TV5, nagkakaisa ang mga press na magiging Kapatid na rin si Jaya.
Lalo na at may balitang sa pagkakatanggal ng Party Pilipinas para palitan ng mga bagong singer at artista, kung saan isa sa main host ng PP si Jaya, kasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ay mawawala na rin siya.
Pero lahat ng mga haka-haka at iniisip ng ilang press na susundan na rin ni Jaya ang kaibigang si Regine sa TV5 ay naglaho dahil pinagdiinan ng binansagang Soul Diva na mananatili siyang isang Kapuso kahit na walang kontrata sa GMA-7.
“Nandito ako sa birthday celebration ng nag-iisang Superstar dahil fan ako ni Nora (Aunor). Nang imbitahan ako ng TV5 na dumalo para handugan ng isang awit ang Superstar ay hindi na ako nagdalawang-isip.
“Isang karangalan ang maimbitahan at pakantahin sa kaarawan ni Nora. Kaya ako nandito para personal siyang mabati at makita na rin nang personal. Nora Aunor ‘yan para tanggihan ng isang tulad ko.
“Hindi naman magiging problema sa GMA-7 ang pagpunta ko sa birthday ni Ate Guy na inorganiza ng TV5. Wala naman akong kontrata sa Siyete at kahit wala ay hindi naman nila ako pinababayaan. Laging silang may project sa akin.
“Sa pagkawala ng Party Pilipinas na papalitan ng ibang konsepto, nandoon pa rin ako at hindi mawawala. Ganyan ang pag-aalaga sa akin ng GMA-7, kahit wala akong kontrata sa kanila ay ‘di nawawalan ng project,” pahayag ni Jaya.
Sa isyu naman na susundan or sasama na siya kina Regine at Ogie sa TV 5, wala raw katotohanan ang balita. Nag-usap na raw sila ni Regine at wala raw siyang natatandaan na sasamahan na rin niya ang Songbird at husband nito na si Ogie sa TV5 pagkatapos na mag-expire na ang kontrata ng dalawa sa Kapuso Network.
Whatever happens, maglipatan man sila or hindi ng TV network, hindi naman daw magbabago ang pagkakaibigan nila. Nandoon pa rin ang respeto at suporta whatever na decision daw ang gawin nila.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo