GUSTO KO nga palang i-congratulate si Bossing Vic dahil sa number one nga ang My Little Bossings nila sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Hindi raw niya akalaing ganu’n kalakas ‘yun kaya mukhang totoo ngang bahay ang bonus ni Ryzza Mare Dizon, ha!
Naku! Ibig sabihin, makakaalis na si Ryzza Mae sa unit ko sa Imperial. Doon nga siya muna pansamantalang nakatira para malapit sa Broadway, ‘di ba?
Pero sabi ni Bossing Vic, malapit na raw malipatan ni Ryzza Mae ang bagong bahay niya na sa tulong ng Eat Bulaga at sa kanya na rin, nabili na nila ang naturang bahay.
Deserved naman ni Ryzza Mae ‘yun kaya masaya kami para sa kanya.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis