WHETHER PUBLIC or private ang eskuwelahang pinapasukan ng isang mag-aaral is no big deal. In general, both learning institutions—after all—provide a remarkably good education.
Pero paano kung ang isang batang mula sa nakaririwasa nang pamilya is enrolled at a public elementary school?
Ito ang tsikang aming nakalap from Jocelyn Estabillo, isang kumare who works as a waitress at our nocturnal hub in Pasay City. Ang isa sa apat niyang anak named Ivan, a third grader at an elementary school in Tandang Sora, Quezon City, ay schoolmate ng nakababatang kapatid ni Ryzza Mae Dizon.
Tama ba ang dinig namin, younger brother ni Aling Maliit?
“Palibhasa hindi ako ang sumama kay Ivan nu’ng nag-enrol siya, pero may nakapagsabi sa akin na du’n din sa pinapasukan ng anak ko nag-aaral ang kapatid ni Ryzza Mae. Sinamahan pa nga raw ni Ryzza Mae ‘yung kapatid niya nu’ng nag-enrol. Siyempre, maraming nagpa-picture kay Aling Maliit,” kuwento ng aming kumare.
Ayon sa kuwento, inilipat lang daw ang kapatid ni Ryzza Mae doon mula sa dati nitong pinapasukang private school. “Malapit din daw kasi ang bahay nina Ryzza Mae sa eskuwelahang ‘yon,” pangungumbinsi ni Jocelyn sa kanyang kuwento.
ISMOL COUPLE Jingo and Majay—for a change—have a different Father’s Day celebration this time around.
Pinayagan kasi ni Majay si Jingo na malayang gawin ang nais nito mula tanghali hanggang hatinggabi, and the husband does just that kasama sina Bobong at Lance.
Ang tanong: ano naman kaya ang kanilang mga gimik? Nag-enjoy na naman si Jingo sa kakaibang paraan ng pagse-celebrate ng Araw ng mga Ama?
Tama naman kaya ang desisyon ni Majay na payagan si Jingo? Anong gulo ang hatid nito sa mag-asawa?
Samantala, nangungulit si Marie kay Yumi. Gusto na niya kasing pumunta si Yumi sa London. Pero siyempre, tutol si Ethan. Ano ang gagawin ni Ethan to make Yumi change her mind? Matuloy kaya ang pagpunta ni Yumi sa London? If ever, ikalulungkot ng kanyang buong barkada ang pag-alis niya.
For sure, isa na namang kaabang-abang na episode ang hated ng Ismol Family this Sunday sa GMA.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III