“IBINILANGGO AKO sa loob ng bahay ng aking employer matapos kumpiskahin ang aking passport. Para mabawi ko iyon, kailangan ko raw magbigay sa kanya ng $4,000.00. Gusto ko nang lisanin ang mahigit dalawang taong trabaho kong ito.” Ito ang wika ni Analissa Dalambines, isa sa mga DH na Pinay na nagtatrabaho sa Morocco.
‘Eto naman ang kuwento ng isa pa niyang kasamahan sa bansang iyon: “Ginahasa ako ng aking amo. Ang napasukan ko sa Morocco ay isang employer na lagi akong binubugbog.”
At halos lahat ng mga biktima roon ay hindi pinasasahod sa loob ng mahigit isang taon. Karamihan din sa kanila ay walang employment contract at tumatanggap lamang ng sahod na mas mababa kaysa minimum wage.
Ilan lamang ito sa malulungkot na kuwento ng ating mga kababaihang OFW mula sa Morocco. Sa ngayo’y may higit 3,000 Pinay housemaid ang nagtatrabaho sa bansang ito sa Africa.
At paparami ang bilang ng mga inaabuso nating mga kababayan doon.
POEA, OWWA, DFA: Saklolo!
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo