MALIWANAG NA ANG lahat! Sa relasyong Cristine Reyes at Rayver Cruz, masasabing lalo lang pinagtitibay ng panahon ang kanilang ipinaglaban.
“Masaya ako. Kami. Nand’yan siya (Rayver Cruz) lagi for me, and ako rin naman sa kanya. Kaya, all I can say, eh mas tumitibay lang lalo ang pagmamahalan namin with each passing day. Hindi ka ba magiging proud nung ipinaglalaban ka sa lahat ng taong mahal mo. Ano pa ang ire-regret ko? ‘Di ba dapat lang na matuwa na lang ako? ‘Yung ipagmalaki ka lang sa lahat, eh ang laking bagay na,” sey pa ni Cristine.
Masasabi na niyang natahimik na ang lahat? Matapos ang fingers pointed at her na parang inapi niya si Sarah Geronimo?
“Ang mahirap naman ngayon, kahit hindi ko na sinabi, may mga dagdag na. Like ‘yung pakamatay daw. Wala naman akong sinabing gano’n. Mapagbiro na nga ako sa ibang tweets ko, kaya huwag na nilang lagyan ng kahulugan na sila lang ang may gusto.”
Ano raw ba ang nararamdaman niya na marami siyang haters sa panahong ito?
“Hindi ko naman kailangang ipakilala ang sarili ko sa mga haters na ‘yun. Kasi, kahit ano naman ang gawin ko, hindi nila gustong intindihin. Eh, wala tayong magagawa. Okay lang. At least, tinitingnan nila ang ginagawa ko, so parang fans ko na rin sila.”
Nakasalang naman ngayon si Cristine sa paggawang muli ng isang horror film sa Viva Films, ang Tumbok kunsaan kasama niya sina Carlo Aquino at Ryan Eigenmann.
IPINAGTANGGOL NAMAN NI Carlo Aquino ang kaibigang si Angelica Panganiban na dahil sa opinyon nito sa pag-aartista ng Azkal na si Phil Younghusband ay katakut-takot na batikos ang inabot sa mga tagahanga ng nasabing atleta, na karamihan ay may kalaswaan at kabastusan na.
“Nagsabi lang naman ng opinion niya ‘yung tao. Lahat naman tayo entitled sa mga sarili nating opinion. At may opinion din ang mga tagahanga. Sana lang, walang nao-offend na kahit sino. At kung ano lang ‘yung pinag-uusapan, hindi naman magkaroon ng mga violent reactions. Hindi rin masisisi ang mga nag-react,” sey ng aktor.
Samantala, halata rin ang kasiyahan sa mga mata ni Carlo these days. Dahil may isang nilalang na nagpapaganda ng araw niya at nagbibigay ng ibayong inspirasyon sa kanya in the person of Cristine Mae Nieto na isang Eurasian.
Sa Tumbok, asawa ni Cristine ang role niya. At nakunan na raw ni Direk Topel Lee ang kissing scenes nila sa pelikula.
“Nagkatrabaho na kami sa Working Girls ni Cristine, pero hindi naman kami nagkaeksena. Sa kissing scenes na-min? Ano ba ang maiisip ko, kasi kailangang mag-focus sa mga nuances namin sa bawat eksena, Ang naaalala ko lang, malambot ang lips niya. Masaya siyang kasama, eh, Maingay. Kanta nang kanta. Siguro, dahil in love nga. Ibang klase ‘yung kakulitan. Nakakahawa,” lahad ni Carlo sa kapareha.
Expected na ang sasabihin ni Carlo na walang dapat na ikaselos si Rayver sa mga eksena nila ni Cristine. Aba! May Cristine na rin si Carlo, ‘di ba?
The Pillar
by Pilar Mateo