SA 2019 ELEKSYON: DINGDONG DANTES, SASAPI SA LIBERAL PARTY?

Dingdong Dantes

MALAPIT NA ang mid-term election na mangyayari next year 2019 at isa na nga ang aktor na si Dingdong Dantes ang sinasabing kinukumbinsi ng ilang partido na tumakbo bilang Senador for the coming election.

From our sources inside the Liberal Party (nina PNoy at Mar Roxas); may mga pagpupulong na iimbitahan nila ang aktor para maging kasapi ng partido na magpe-field ng kanilang mga kandidato sa darating na eleksyon.

 Sa isang showbiz event, nakausap ng ilang mga press people si Dong at ang sabi niya: “ Ako, I love my family so much. I love my work as an actor and I also value my community work. Siguro ang tanong diyan eh, kailangan ba? And I think that’s something I’ll answer by myself alone,” sagot niya sa panguurirat ng media kung papasukin ba niya ang pulitika next year na tila suntok sa buwan pa ang sagot ng aktor.

Kung maaallaa pa, nang maging part si Dingdong sa National Youth Commission sa panahon ng panunungkulan ng dating Presidente Noynoy Aquino, naging magandang training ground ito sa kanya para sa isang mas malakihan at malawakang pagiging public servant kung sakali. Dingdong heads the Yes Pinoy Foundation na mula nang mabuo ay madami na rin naman sila nagawa sa mga kabataan lalo na ang pagpapatayo ng mga school buildings with the help of his personal friends and sponsors.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleAS VIVA ARTISTS AGENCY’S NEWEST BABY: Marion Aunor, masaya sa mabilis na pagpasok ng trabaho!
Next articleFROM SUPPORTING ACTOR TO LEADING MAN: Neil Ryan Sese, hindi inaasahan na darating ang suwerte

No posts to display