Sa 32 years ng Eat Bulaga Joey de Leon, hindi umasa sa mga co-host

NAKAKATUWA ANG reunion nina Joey de Leon at Toni Gonzaga sa The Buzz. It was their first time na muling magkita after Toni left Eat Bulaga several years ago to transfer to ABS-CBN. It was also Joey’s first time to guest on The Buzz. He is promoting his new movie Won’t Last a Day Without You starring Sarah Geronimo and Gerald Anderson.

Hindi napigilan ni Toni ang maiyak when Joey gave her a bag containing an Eat Bulaga coffee table book. Makikita rito ang isang lumang litrato ni Toni kasama ang iba pang mga hosts ng noontime show.

“Dati galit ka sa akin, eh. Ngayon ‘di ka na galit sa akin,” sabi ni Toni kay Joey when she interviewed him. He replied, “Hindi, ano ka ba? ‘Di lang tayo nagkaintindihan. Hindi ako nagagalit sa iyo noon. Binibiro lang kita.

“O tignan mo naman, nu’ng umalis ka umasenso ka,” he added. “Kung ‘di ka lumayas sa Bulaga, eh ‘di baka sa EB Babes ka na.” Hindi raw maiaalis sa kanila ang malungkot noong nawala si Toni sa show.

“Siyempre nalungkot kami nu’ng nawala ka. Pero ngayon, napapanood pa rin naman kita eh,” he said. Sinabi ni Toni na masuwerte siya dahil nakatrabaho niya si Joey. “Mabibilang ko ang sarili ko sa isa sa mga pinakamaswerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon,” she said.

Nagkuwento si Joey ng kanyang mga karanasan noong nasa ABS-CBN pa siya. Limang taon daw siya sa radyo at siya lang ang nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa pitong istasyon nito. He was a utility announcer. Kuwento pa niya, P200 per month daw ang sweldo niya noong 1968 at naabutan pa niya ang lolo ni Mr. Gabby Lopez, ABS-CBN’s CEO.

Joey also gave Toni some pieces of advice when it comes to hosting. “Baka may mga nakikinig diyan. ‘Pag nagho-host kayo, makinig kayo sa co-host ninyo,” he said. “’Yung iba kasi solo lang, sarili lang [ang] iniintindi. Maganda ba ako sa TV, anong anggulo? Kailangan makikinig ka kasi mawawala ka sa takbo ng usapan.” Dapat daw ay lagi kang alerto.

32 years na ang Eat Bulaga. Kanino ba siya pinaka-close? “Close ako sa show. ‘Yan ang ‘wag kang aasa [sa co-hosts]. Kahit absent ang lahat ng co-host, dapat kaya mong mag-isa.”

He plays the father of Sarah in Won’t Last a Day Without You. What are the reasons why he agreed to do the film? Una, si Sarah because she is Joey’s favorite movie actress (Toni is his favorite television personality). “Kayo ni Sarah, parang kayong dalawa favorite ko, eh. Ikaw sa TV, siya sa pelikula.” Natutuwa daw siya kay Sarah. Pangalawa, dahil sa kanyang role na rocker sa pelikula. Pangatlo, alam daw niyang muli silang magkikita ni Toni.

Sinabi ni Joey na napakasuwerte ng apo ni Nestor de Villa (referring to Direk Paul Soriano). Pogi at matalino raw ito. Ipinagmalaki ni Toni na magli-limang taon na silang on ni Direk Paul. Pinayuhan daw ni Joey noon si Toni na kapag magbo-boyfriend ito ay siguraduhin niyang okay ang kanyang pipiliin. At ito nga ang ginawa ni Toni.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleSen. Bong, niligawan si Lorna Tolentino!
Next articleDyagwar, pasok sa New Wave Digital Film Festival!

No posts to display