ANG PINAKAHU-LING kaso ng human trafficking na nakaabot sa aking kaalaman ay ang kaso ng mga Pinoy na nabiktima sa Florida ng San Villa Ship Management Co. Ilang kababayan natin ang pinarating doon pero ‘di tumanggap ng makataong sahod, isiniksik sa mga masisikip na tirahan at sumailalim sa forced o sapilitang paggawa.
Eh, bakit naman ‘di sila makapalag? Sapagkat binantaan sila ng pagkaaresto at deportation. Isa, pa, naglagak sila sa ahensiya ng $2,350.00 na ‘di na ibabalik sa kanila oras na iwanan nila ang kanilang kontrata nang ito ay hindi pa expired.
Sa reklamong isinampa ng mga biktima, isinabit nila ang mga Fil-Am na sina Nenita Giessman, isang US Immigration officer, at Angelo Macatangay, ang ating honorary consul doon. Ganoon kalaganap ang mga galamay ng mga sindikato.
Pero ang mas nakababagabag ay ang resulta ng imbestigasyon ng US State Department na nagsabing: “Unfortunately, ‘law enforcement officials’ complicity in human trafficking remains a pervasive problem in the Philippines, and corruption at all levels of government enables traffickers to prosper. There continue to be reports that officials in government units and agencies assigned to enforce laws against human trafficking permitted trafficking offenders to conduct illegal activities. This perception contributes to overseas workers’ own sense of vulnerability to threats and complete control by their traffickers and prevents them from feeling safe enough to report their traffickers’ activities or return to the Philippines.”
Balik na naman tayo sa ugat ng problema—graft and corruption.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo