KALOKA ANG away-pamilya ng mga Barretto na sumambulat sa publiko last week.
Kung tagamasid ka, sa-sabihin mong dysfunctional ang pamilya nina Gretchen, Marjorie at Claudine dahil sa isyung pinagtatalunan nila na nakabuyangyang sa publiko.
Baluhura! Baboy! Katsipan ang tawag ko sa gulo na kinasasanguktan nila.
Kanya-kanyang kampihan. Kanya-kanyang sumbungan sa bayan kung sino ang may mali at kung sino ang tama.
Nagsimula ang lahat sa balitang sinasabi diumano ni Claudine na haharangin niya ang career ng pamangkin niyang si Julia na anak nina Marjorie at Dennis Padilla na ngayon ay isang contract star ng Star Magic ng Kapamilya Network na dati’y pinagre-reynahan ni Claudine.
Sa edad ni Claudine, punum-puno pa rin siya ng insecurities at tila may “tama”, ayon sa pagsasalaysay ng nakatatandang kapatid nila na si Joaquin.
Si Claudine ang sinisisi ni “kuya” dahil kailangan na niya ng professional help, pero itinatangi niya ito, lalo na ni Mommy Inday (ina ng Barretto Girls), kung saan umabot na sa pagtatakwil sa kanyang anak na si Gretchen para umayon ito sa bunsong anak.
Si Gretchen, sinisisi ng ina at ng kapatid niyang si Gia (na naka-base sa Amerika) dahil inaapi nito ang bunsong kapatid.
In defense of Gretchen, say ng kapatid – si Claudine ang dahilan ng lahat dahil sa pagsisinungaling nito.
Dahil sa awayan ng pa-milya, lumabas ang kuwento na si Claudine ang may problema. Pinag-usapan na nila noon bago mag-Pasko last year na kailangan nang mai-confine sa isang rehab center sa may White Plains, pero itinatangi nga ito ni Claudine na may problema siya at kailangan niya ng tulong na siya naman ang kinakampihan ni Mommy Inday.
Sa pamilya rin nila nagmula ang kumpirmasyon na ang mister ni Claudine for seven years na si Raymart Santiago ay hindi na umuuwi sa bahay nilang mag-asawa.
Kung tagamasid ka, mapapai-ling ka na lang sa isyu ng pamilya Barretto.
Kahit saan mo man tingnang angulo ang iskandalong ito, wala ni isa sa kanila ang panalo. Iisa lang ang sasabihin ng publikong nakikiusyoso, lahat sila katsipan at walang breeding para ibulatlat nila ang kanilang problemang pang-pamilya sa publikong nagmamasid at nag-aabang ng mga susunod pang mga kabanata.
MARAMI ANG nagulat sa desisyong biglaang paglipat ng manager ni Marian Rivera.
From Popoy Caritativo, lumipat ang prime talent ng Kapuso Network kay Tony Tuviera of Tape, Inc. (of Eat Bulaga).
Walang kaabug-abog, may isyu na pala between Marian and her manager na ayaw lang munang i-detalye ng TV star sa media.
Ang ayaw lang na marinig ni Marian sa magiging reaksyon ng showbiz at ng media ay: “Hindi ko hahayaan ang sinuman na sabihin na wala akong utang na loob kay Popoy,” pagbabanta niya.
Alam namin, higit pa sa utang na loob ang dahilan ng split-up ng dalawa.
As of presstime, nag-email na kami kay Popoy and we are waiting for his reaction pero wala pa rin siya sagot magpasahanggang ngayon sa amin.
FIRST MAJOR concert ni Daniel Padilla bukas sa Araneta Coliseum.
Makikita natin kung ang lakas ng tilian ng mga fans niya ay makakahatak ng mga tagahanga na bibili ng concert tickets niya.
Sa totoo lang, kung sakaling mapuno ito ng teenstar, phenomenal success nga ito para sa career ng baguhan, kumpara naman doon sa sinasabing “major concert” ni Julie Anne San Jose, na pinagtawanan nila ng ka-loveteam na si Elmo Magalona sa isang You Tube video ang sikat na kanta ni Daniel.
Comparing The Big Dome sa Music Museum show ng dalagita, no comparison at kakain siya ng ali-kabok.
Kung sa recent show ng dalagita sa Zirkoh na super semplang sa ticket sales at awang-awa kami sa mga show producers, dapat behave na si Julie Anne dahil wala pa naman siya napapatunayan.
Reyted K
By RK VillaCorta