SIYA SI Amor Powers sa Pangako Sa ‘Yo, si Lourdes Saavedra sa Kampanerang Kuba, si Selina Pereira-Matias sa Mula sa Puso, si Olivia San Juan-La Peña sa Mundo Man ay Magunaw, at ang misteryosang si Black Lily sa Walang Hanggan. Mapabida man o kontrabida, inaapi man o nang-aapi – ang mga karakter na ito ay lalong nagpatingkad sa husay sa pag-arte ni Eula Valdes.
Eula feels sad that her afternoon series is about to end. Naging close na raw kasi siya sa mga co-stars niya like Ejay Falcon, Empress Schuck, and Nikki Gil. “Isa ito sa mga shows na ginawa ko na nag-bonding talaga kami nang husto ng mga co-actors ko,” kuwento niya sa ABS-CBN News.
Dagdag pa niya, “Noong primerong mag-uumpisa kami, sabi ko sa anak ko, makakatrabaho ko si Nikki Gil. Mukhang suplada iyang batang iyan eh, hindi pala. Katulad ko na mukha lang palang suplada.”
Pero sa pagtatapos ng Mundo Man ay Magunaw ay isang panibagong kabanata naman ang nagbukas sa mundo ng telebisyon para kay Eula. In Walang Hanggan, the plot becomes more exciting as Eula enters the scene as the new villain who will bring havoc to the lives of her enemies.
As Black Lily, her character is the third wheel in the romance of Emily (Dawn Zulueta) and Marco (Richard Gomez). Incidentally, she now gets the chance to work with Ms. Susan Roces who originally portrayed Eula’s role of Olivia La Peña in the 1990 film Mundo Man Ay Magunaw.
Bukod sa babaeng mahilig sa bulaklak na black lily at magsuot ng itim na damit, sino nga ba ang misteryosang si Black Lily at magtagumpay kaya siya sa kanyang maitim na balak? Abangan.
Kaibigan usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda