NASAKTAN ANG Tween star na si Teejay Marquez sa isyung gimik lang ang balitang namatay siya mula sa car accident na kumalat last Feb. 25.
Ayon kay Teejay , hindi niya kailangang gumimik para lang mapag-usapan. Sino raw ba ang gustong ma-isyung patay na, lalo na’t buhay pa naman siya.
Tsika pa nito na 3am daw kumalat ang nasabing issue na kasagsagang natutulog siya. Wala raw siyang kamalay-malay na meron ganu’ng issue kung hindi pa siya kinatok ng kanyang mga tita at doon niya nalaman ang dami ng text at miskol na nagtatanong ng nasabing issue
Hindi niya gagawing mag-alala ang kanyang mga mahal sa buhay lalo na ang kanyang ina na nasa Japan, para lang gumimik.
Kung sino raw ang nag-iisip na gumimik siya, isa lang daw ang gustong iparating ni Teejay sa mga ito: “God Bless You!” pagtatapos ni Teejay.
AFTER BILHAN ng malaking bahay, natutuwang ibinalita ni Doña Dorothy Laforteza na binigyan daw siya ng guwapo at galanteng manugang na si Timothy Tan ng grocery.
Ito raw ang magiging negosyong pagkakaabalahan ni Tita Dorothy, habang hindi pa nakakabalik sa showbiz ni Sunshine Dizon na 10 months na ang pagbubuntis.
Gusto raw kasi ng guwapong manugang ni Tita Dorothy na habang abala silang mag-asawa (Sunshine ) sa kanilang negosyo ay magiging abala din si Tita Dorothy sa sarili naman niyang negosyo.
HOW TRUE kaya ang balitang nakalap namin na nagsasabi na unti-unti na raw nade-develop ang isa sa star ng Regal Films upcoming movie na Dead na Dead Sa U na si Kiray sa kanyang co-star sa nasabing film na si Hiro Magalona.
Tsika nga ng aming source na naikukuwento na nga raw ni Kiray sa kanyang mga showbiz friends na crush nito ang Tween star.
Lalo na’t nalaman nito na ayon kay Hiro, hindi naman daw mahirap mahalin si Kiray, dahil mabait ito at masayang kasama.
Dagdag pa nga raw ni Hiro na walang dull moment everytime na nasa set sila ni Kiray, dahil magaling masaya itong kasama at kausap.
FROM CANADA ay unti-unti na rin daw nakaka-penetrate sa Hollywood ang tinaguriang Vancouver Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad na busy pa rin sa promotion ng kanyang first album sa bayan ni Uncle Sam.
Ang latest ngang balitang nakarating sa amin ay pumapalo ang awitin nito sa charts ng iba’t ibang radio stations sa USA.
Bukod sa singing at concerts nito ay nakatakda na rin daw pasukin ni Ethel Rose ang pag-arte, kung saan nakatakda itong makasama sa isang Hollywood film, at makakasama niya ang ilan sa top stars sa Hollywood within the year.
John’s Point
by John Fontanilla